Nagsalita na rin ang aktres sa breakup nila ni Mavy: Message ni KOBE kay KYLINE: ‘I am so proud of who you are and who you are becoming’
- Published on August 31, 2024
- by @peoplesbalita
FOR the first time, nagsalita na rin ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa breakup nila ni Mavy Legaspi.
Sa interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi nito na marami siyang natutunan sa naging relasyon nila ni Mavy pero ngayon ay nagmo-move on na siya.
“Well, in every relationship naman po that I have or had whether it’s professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it, both the good and the bad experiences,” sagot ni Kyline nang tanungin siya ni Boy Abunda.
Pagpapatuloy pa niya, “Right now, I think we should move on from that experience and I will treasure that moment po kasi siyempre it made me who I am today with all that happened. I feel grateful that I experienced that po.”
Matatandaan na naging maingay ang breakup nila at hindi pa rin malinaw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Samantala, nali-link nga si Kyline sa celebrity basketball player na si Kobe Paras. At wala pa ngang pag-amin ang aktres sa real score nila ni Kobe.
Kaya diretso siyang tinanong si Kuya Boy kung sila na nga ba ni Kobe…
“Patawad po Tito Boy, pero hindi ko po kayo masasagot ngayon. But all I can say is, he makes me happy,” say ni Kyline.
“Pero Tito Boy, ito na lang… Halimbawa, boto ka ba sa kaniya?” tanong ni Kyline kay Kuya Boy.
“Botong boto. One to 10, 10,” sagot ng TV host.
“At kapag handa na kayo, halimbawa kung ano man, saan pumunta ito, promise me you’re going to come back and say yes or no. Promise?””
Promise,” sabi pa ng Sparkle actress.
Nagkuwento rin si Kyline tungkol sa viral video nila ni Kobe na nagba-bonding sa karaoke.
“Sa bahay po ng super close friend ko na naging friend na rin ni Kobe and nandiyan po ‘yung non-showbiz friends ko. At nandiyan po ang aking mga magulang,” sabi niya.
“First time kasi naming, inaasar namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support him and I guess that’s my way of supporting him,” pagpapatuloy pa ng aktres.
Ayon kay Kyline, ang kantang “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya noon ang inaawit ni Kobe.
Nakilala na rin ni Kyline ang pamilya ni Kobe, kabilang ang ama nitong si Benjie Paras.
“Meeting po sila at sinamahan ko rin po ulit si Kobe to support him. Supporter po kasi talaga ako,” sabi ni Kyline.
“Siyempre po, para mas makilala ko pa si Tito Benjie.”
Sinorpresa ni Kuya Boy si Kyline, na magdiriwang ng kaniyang birthday sa Setyembre 3, nang isang nakakikilig na video message mula kay Kobe.
“Hey Ky, I just want to wish you a very advanced happy birthday. I am so proud of who you are and who you are becoming. You make everyone you meet feel so loved and wanted and you are also an inspiration to so many people. I’ll always be here to support you and I’ll see you soon,” mensahe ni Kobe.
Nagpasasalamat naman ang young actress sa basketball player.
“Of course, thank you. ‘Yun lang po ang masasabi ko ngayon at ‘yung iba alam niya na naman po ‘yun. Because lagi po naming napag-uusapan at lagi niyang sinasabi sa akin na I am more than all the issues thrown at me and I am more than my love life.
“That’s why lagi niyang sinasabi na, ‘Dito lang ako, ikaw na muna. I will let you shine,’ because he knows po kung ano ‘yung mga napagdaanan ko and I appreciate it,’” sabi pa ni Kyline.
Mensahe naman ni Kuya Boy kay Kobe, na sana raw ay makapag-guest ito sa ‘Fast Talk’ at makapagkuwentuhan.
Kaya hirit pa ni Kyline, “Sana nga po makabalik po siya rito. At siya na po ang sasagot ng mga tanong ninyo, kasi I think that’s the proper way.”
(ROHN ROMULO)
-
ANJO, na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic
KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Anjo Damiles na na-diagnose with depression and severe anxiety sa panahon ng pandemic. Ayon kay Anjo: “Ang hirap i-explain when it comes to mental health… suddenly it breaks you down. May point ako na nag-snap na lang po ako. Nawala ako sa tamang pag-iisip and it was sad to […]
-
Local deaths sa Pinas dahil sa respiratory disease mas mababa kumpara sa ibang bansa-PDu30
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas mababa ang local deaths ng Pilipinas dahil sa respiratory disease kumpara sa ibang bansa. Ito’y sa kabila ng naitalang bagong record ng COVID-19 cases ng Pilipinas. “Hirap ang America ngayon. Ang Europe is suffering from a—maraming mas namatay; Turkey, marami ang patay; Saudi Arabia, mas […]
-
Nag-short vacation sa South Korea kasama ang pamilya: SHARON, hirap na hirap pa rin na maka-move on sa pagpanaw ni CHERIE
HIRAP na hirap pa rin na maka-move on si Megastar Sharon Cuneta sa pagkawala ng isa sa pinakamalapit na kaibigan na si Cherie Gil. Mahigit na dalawang linggo na ang nakalilipas, pero pakiramdaman niya ay kamamatay lang kaibigan. Kaya naman marami ang natuwa at napa-sana all pa ang iba sa IG post niya […]