• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MM, mahihirapan ng manatili sa ilalim ng MECQ-Sec. Roque

SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na mahihirapan ng manatili sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (mecq) ang Metro Manila pagkatapos ng Agosto 18.

Ito’y dahil, patuloy na nauubos na ang resources ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus pandemic.

“The government no longer has resources to provide aid to poor families in the capital region and neighboring economic hubs should the strict lockdown be extended,: ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Giit ni Sec. Roque na sa tingin niya ay mahihirapang manatili sa MECQ ang bansa dahil nga wala ng pang-ayuda ang gobyerno,

“Ano naman ang gagawin natin sa ating mga kababayan kung hindi sila pupwedeng magtrabaho at wala ng pang-ayuda?” diing pahayag ni Sec. Roque.

Matatandaang, noong Agosto 4 ay ibinalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mecq ang National Capital Region (NCR) at mga karatig- lalawigan gaya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal makaraang umapela at sumigaw ng ‘timeout’ ang mga health workers bunsod ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.

Pagkakataon din ito para sa pamahalaan para i-recalibrate ang COVID-19 pandemic response strategy ng gobyerno.

At habang nasa MECQ ay inaasahan na matutulungan ang pagbagal ng pagkalat ng virus at inaasahan din na mababago nito ang kabuhayan ng mga Filipino lalo pa’t 70 porsiyento ng ekonomiya ay naka-base sa capital region at sa mga nakapalibot na lalawigan.

“Bottom line is wala na tayong pang-ayuda,” ayon kay Sec. Roque.

Samantala, mayorya ng bahagi ng Pilipinas ay isinailalim sa quarantine simula pa noong mid-March para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19, na naunang naitala sa bansa noong Enero 30 kung saan ay may isang babae ang dumating sa bansa mula Wuhan, China kung saan pinaniniwalaang unang nagkaroon ng sakit.

Sa kabila ng pagpapatupad ng isa sa pinakamahigpit at pinakamahabang lockdowns sa buong mundo, ang Pilipinas ay patuloy na nakikipagpambuno sa pagsirit ng infections. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Fajardo, iba pang maaangas kikilalanin ng PBA Press Corps

    PAMUMUNUAN ng tatlong manlalaro at coach ng San Miguel Beer ang mga mga gagawaran ng parangal sa sabay na idaraos na Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) 2019 and 2020 via virtual Special Awards Night 2021 sa sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City sa Marso 7.     Ipinahayag Miyerkoles sa People’s BALITA ni […]

  • Kalituhan sa ‘window hours’, nilinaw ng MMDA

    NILINAW  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang polisiya sa ‘window hours’ na ipinapatupad sa provincial buses na nagdulot ng kalituhan sa publiko.     Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na batay sa umiiral na polisiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), lahat ng provincial buses ay dapat lamang na magbaba […]

  • Produktong paputok, ibebenta na lang sa LGUs at pulis

    SA HALIP na tuluyang ipagbawal ang paputok ngayong taon ay napag-isip ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na payagan na ang mga nagbebenta ng paputok sa bayan ng Bocaue sa Bulacan na ibenta ang kanilang produkto sa local government units at pulis para mapanatili ang kanilang negosyo.     Sa public address ng Pangulo, ay sinabi […]