• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hero’s welcome kay Yulo ikinakasa sa Maynila

NAGHAHANDA na ang mga Manileño sa gaga­wing hero’s welcome para kay Carlos Edriel “Caloy” Yulo makaraang masungkit nito ang gold medal sa men’s artistic gymnastics floor exercise sa Paris 2024 Olympic nitong Sabado.

 

 

“Manileño po si Caloy Yulo. Taga-Leveriza. Kaya sobrang proud at happy po kami para sa kanya,” pahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua.

 

 

Ayon kay Chua, bilang pagkilala sa pambihirang achievement na nakamtan ni Yulo ay pinaplano ng lungsod ng Maynila na bigyan siya ng “hero’s welcome” sa kanyang pagbabalik sa bansa.

 

Inianunsiyo na rin kahapon ni Mayor Honey Lacuna ang ginagawang paghahanda ng Manila City Government para sa hero’s welcome sa pag-uwi ng Gold Olympic Medalist na si Yulo.

 

Ayon kay Lacuna, isang bonggang hero’s welcome ang ibibigay nila kay Yulo, gayundin sa lahat ng Paris Olympians na babalik sa bansa.

 

Bukod rito, makatatanggap din aniya si Yulo mula sa lokal na pamahalaan ng cash incentives, awards, at simbolo ng ‘eternal gratitude.’

 

“The people of Manila, the entire Philippines, and all Filipinos all over the world rejoice at Carlos Edriel Yulo’s spectacular gold medal performance at the Paris Olympics. Our hearts leaped in our chests as Caloy leaped high in the air. We stomped our feet on the floor as Caloy nailed those solid landings that felt like earthquakes. Our eyes glowed in admiration as Caloy showed sure control as he executed that perfect handstand,” anang alkalde.

 

Ipinagmalaki rin ni Lacuna na ang isang “Outs­tanding Manilan Awardee” ay isa nang Olympic Gold Medalist ngayon.

 

Una na ring nagpasa ng Resolution No. 388 ang Manila City Council bilang pagkilala sa pagkapanalo ng magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo sa Artistic Gymnastics Asian Championship sa Tashkent Uzbekistan noong Mayo 19, 2024.

Other News
  • Kai Sotto excited na makasama si Kobe Paras

    Excited na si NBA prospect Kai Sotto na makasama sa workout si Kobe Paras sa East West Private (EWP).     Kamakailan lamang, pumasok si Paras sa EWP na siyang tutulong sa kanyang basketball career.     At isa si Sotto sa mga lubos na natuwa sa naging desisyon ni Paras.     Nais ni […]

  • Pasahe sa MRT 3 nakaambang tumaas

    NAKAAMBANG na tumaas ang pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) kapag pinayagan ang muling inihain na petisyon sa Department of Transportation (DOTr).       Ayon sa pamunuan ng MRT3 ay kanilang gagamitin ang karagdagang pasahe sa pagpapalakas ng kapital para sa operasyon at pagmimintahi ng nasabing railway. Inihain ang petisyon sa Rail […]

  • Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque

    KINUMPIRMA  ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa.     Umapela kasi ang League of Provinces in  the Philippines  sa IATF na ipagpaliban ang  implementasyon ng alert level system sa […]