• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Serena vs Venus sa Top Seed Open

Nagbalik si Serena Williams sa paglalaro matapos mamahinga dahil sa COVID-19 outbreak at talunin si Bernarda Pera upang maikasa ang ikalawang laban kontra sa kanyang kapatid na si Venus sa Top Seed Open sa Lexington, Kentucky.

 

Haharapin ng top seed na si Serena si Venus matapos naman nitong talunin si dating world number one Victoria Azarenka 6-3 6-2 sa first-round match.

 

Medyo hindi maganda ang simula ni Serena sa unang set kontra sa kapwa American na si Pera, pero agad din nitong nakuha ang kanyang kumpiyansa at kumana ng pitong aces at sumagip ng 11 sa 13 break points upang manalo sa iskor ng  4-6 6-4 6-1.

 

“It’s good just in general because I haven’t played. A lot of players have been playing – little things and little matches and playing against other players – but I’ve only been training so this was really good for me,” ani Serena na nangakong lalaro rin sa US Open sa Aug. 31 hanggang Sept. 13

Other News
  • Del Rosario lusot laban kay Superal

    NAKAUNGOS si Pauline del Rosario sa matensyong, inulang duwelo kay Princess Mary Superal sa pagpasok ng par sa 17th habang bogey sa huli para sa one-stroke victory at at magreyna sa kakahataw lang na ICTSI Riviera Championship sa Silang, Cavite.   Magkabuhol ang dalawa pa-Langer course signature hole kung saan sinara ni Del Rosario ang […]

  • Internet sa Pinas bibilis na

    SA SANDALING ilarga na ang paggamit ng satellite para sa internet service ay asahan na ang mabilis na internet sa bansa. Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Los Angeles, California. Nagkaroon ng pagkakataon ang Pangulo at delegasyon nito na malibot ang SpaceX facility sa Hawthorne, California at […]

  • Bed capacity ng NKTI at St. Lukes Medical Center napuno na

    Napuno na ang bed capacity ng St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institiute.   Ito ay matapos ang patuloy na paglobo ng mga pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitakbo sa pagamutan.   Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang dalawang institusyon na lumipat na lamang sa ibang […]