• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province… PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagtugon sa mga lugar na tinamaan ni ENTENG

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis na distribusyon ng tulong sa mga residente na apektado ng Severe Tropical Storm Enteng.

 

“Continue the coordination between the national agencies and the LGUs with DENR, with Public Works para ‘yung ating ginagawa like if there are specific concerns that we can address them as quickly as possible,” ayon sa Pangulo sa situation briefing sa Antipolo City.

 

Binigyang diin ng Chief Executive na kagyat na dapat na tinutugunan ang ‘special concerns’ dahil nangangahulugan ito na may mga lugar o grupo ng tao o komunidad ang nananatiling nangangailangan ng agarang atensyon mula sa pamahalaan.

 

“So, we have to do something special for them,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng provincial government ng Rizal kay Pangulong Marcos na nakapagbigay na sila ng lahat ng kinakailangang tulong sa mga residente sa lalawigan na tinamaan ni Enteng.

 

Bago pa matapos ang briefing, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy lamang ang ginagawa nitong pamamahagi ng mga relief goods sa mga apektadong residente kasabay ng naging atas naman nito sa Department of Interior and Local Government (DILG) na patuloy na makipagtulungan sa LGUs.

 

Ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit na makipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations.

 

Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province.

 

Napinsala naman ng naturang bagyo ang Rizal Provincial Hospital system, umabot sa P533,700.

 

Matapos naman ang paghambalos ng bagyo, kaagad na nagbigay ang DSWD ng P11.62 milyong halaga ng tulong sa mga apektadong pamilya at ginawang available ang P134.40 milyong halaga ng standby funds, food, at non-food items sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) region. (Daris Jose)

Other News
  • Pdu30, maayos ang kalusugan; regular ang swab test

    TINIYAK ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na muling nagpositibo sa Covid-19 si Interior Secretary Eduardo Año. Nakasama kasi ng Pangulo ang Kalihim sa isang pulong sa Davao City noong Agosto 10. “Okay po ang Pangulo. Regular po ang kanyang swab test kasi mas maraming swab test masakit ang […]

  • Pondo para sa Manila Bay ‘white sand’ project hindi maaaring i-realign para sa pagtugon sa COVID-19 –Malakanyang

    HINDI maaaring i-realign ng pamahalaan ang P389-milyong pondo na nakalaan para sa Manila Bay “white sand” project para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na nasimulan na ang Manila Bay white sand project kaya kinakailangan nang tapusin ito sa kabila ng kritisismo mula sa University of the […]

  • FAVORITE K-ACTORS CAST LED BY DON LEE IN THE HYPER ACTION-COMEDY ‘THE ROUNDUP: PUNISHMENT’

    THE Roundup: Punishment follows three years after the synthetic drug case roundup in Korea, beast cop Ma Seok-do (Don Lee) and Metro Investigations are busy chasing down criminals who are dealing drugs through a delivery app, when the app distributor is found dead overseas. The team soon realizes that this case involves a huge illegal […]