Morales hindi sisibakin ni Duterte– Palasyo
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi umano sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) general manager Ricardo Morales hangga’t walang ebidensyang sangkot ang retiradong heneral sa korupsyon sa insurance corporation.
Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag matapos matanong kung dapat bang magbitiw na si Morales sa kanyang pwesto kasunod ng alegasyong malawakang katiwalian sa insurance corporation.
Sinabi ni Sec. Roque, bahala na si Morales na magdesisyon lalo nabanggit na ni Pangulong Duterte na hindi tatanggalin ang pinuno ng PhilHealth kung walang patunay sa mga alegasyon.
Ayon kay Sec. Roque, hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng Senado gayundin sa hiwalay na imbestigasyon ng Presidential Management Staff (PMS).
Kapag nailabas na umano ang ebidensya, tiyak na aaksyon na rito si Pangulong Duterte.
“That’s really up to him. I am not in the position to tell him what to do. The President has said that he will not fire him unless there is evidence and I think the Senate now is in the process of documenting this evidence,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Nagbabalik kaya certified Kapamilya pa rin: SHARON, nagluluksa na naman sa pagpanaw ng kanyang ‘Inay Manny’
NAGLULUKSA na naman si Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz, ang actor-director na si Manny Castañeda. Sa kanyang social media post, mababasa ang labis niyang kalungkutan, “On one of the saddest days I have had to live through, I said “Goodbye…” to another dear friend. […]
-
PBBM, hangad ang maagang pagsisimula ng P100-M JOLO AIRPORT PROJECT
ITINUTULAK ng gobyerno ang agarang implementasyon ng P100-million Jolo Airport Development Project sa Sulu. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang lahat ng aspeto ng ‘major infrastructure’ na ginagawa ay nakaayos na upang sa gayon ay makapagsimula na sa lalong madaling panahon. “Kasabay ng pagbibigay […]
-
Ex-DoH Sec. Garin, 9 iba pa pinakakasuhan
Pinasasampahan na ng Department of Justice (DoJ) panel ng patong-patong na kaso sina dating Health Sec. Janet Garin at siyam na iba pa kaugnay ng ikalawang batch ng Dengvaxia case. Sa 78 pahinang resolusyon na inilabas noong Pebrero 19, 2020, kasama sa mga pinasasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa korte ang […]