• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

14,000 aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan na, 43,000 naman sa insurance – SSS

Umaabot na umano sa mahigit 14,000 na aplikasyon sa calamity loans ang naaprubahan ng Social Security System (SSS) nito lamang nakalipas na buwan ng Hulyo.

 

Ayon sa SSS ang 14,186 na applications ay katumbas ng P15.53 billion na kanilang naipahiram sa mga kawani sa pribadong sektor mula July 1 hanggang July 27.

 

Habang nasa P190.02 million naman ang kanilang naipaluwal bilang tulong sa programang unemployment insurance benefits (UIB) para sa mga empleyado na naapektuhan ng COVID pandemic.

 

Iniulat naman ni SSS president at CEO Aurora Cruz Ignacio, mula nang tumanggap sila ng aplikasyon sa mga insurance benefits noong July 27, nasa 43,347 na ang kanilang naaprubahan kaya naman may combined total na ito sa P544.37 million.

 

Samantala nagpaliwanag pa si Ignacio doon naman sa programa nila na
Calamity Loan Assistance Package (CLAP) nasa 1.03 million applications na ang kanilang inaprubahan mula ng nang ilunsad ang online filing noong June 15.

 

Habang noong June 15 naman hanggang July 28 ang application average na tinatanggap kada claim ay nagkakahalaga ng P15,144.

 

Sinabi pa ng SSS na ang calamity loan for COVID-19 ay magtatapos hanggang September 14, 2020.

 

Meron lamang mababang 6% interest per annum ang itinakda ng SSS na sisingilin sa loan na magsisimula sa ikaapat na buwan ng 27-month term.

 

Ibig sabihin nito, merong three-month moratorium sa pagbayad ang isang applicant.

Other News
  • The Ilocos Way: Unveiling Best Practices for Dengue Prevention

    Dengue, a relentless mosquito-borne disease, has emerged as a formidable global challenge, leaving no corner of the globe untouched. From bustling urban centers to remote rural areas, the impact of dengue is felt far and wide, as it continues to spread its insidious grip.   On a global scale, the World Health Organization (WHO) has […]

  • Lakers dismayado sa no call ng ref laban sa Celtics

    Kinuha ni Lakers guard Patrick Beverley ang isang courtside camera sa pagsisikap na ipakita kay referee Eric Lewis ang alam na ng lahat ng nakapanood ng replay: Na-foul si LeBron James sa kanyang hindi nakuhang layup sa pagtatapos ng regulasyon.   Sa halip na makuha ang tawag, nabigyan si Beverley ng technical foul na nagbigay […]

  • COVID-19 VACCINE STORAGE FACILITY SA MAYNILA, HANDA NA

    HANDA na ang banong Covid-19  vaccine storage facility  matapos pasinayan  nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.   Ang itinayong bagong COVID-19 Vaccine Storage Facility na pag-iimbakan ng mga vaccine vials na magmumula sa iba’t ibang pharmaceutical firms.   Ito’y makaraang bisitahin ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) […]