7 American Pedophile, hinarang sa airport
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong American nationals na dati nang nahatulan sa sex crimes sa US na makapasok ng bansa.
Sinabi ni Bureau of Immigration Officer-in-Charge Joel Anthony Viado na ang nasbing mga pasahero ay nasabat sa magkakahiwalay na petsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan airport nang dumating ang mga ito bilang mga turista.
“However, they were immediately denied entry after our primary officers and their supervisors discovered that they are registered sex offenders (RSOs) due to their record of convictions for sex crimes they committed against minor victims,” ayon kay Viado.
Ito ay batay din sa Philippine immigration act na nagbabawal sa mga dayuhan nahatulan na ng krimen kaugnay sa moral turpidude na makapasok ng bansa.
“They were all turned away and boarded on the next available flight to their port of origin. And as a consequence of their exclusion, they were included in our blacklist and banned from entering the Philippines,” ayon kay Viado.
Kinilala ang unang naaresto na si Dustin Patrick Auvil, 57, na galing sa San Francisco, USA na nahatulan dahil sa pang-aabuso sa isang apat na anyos na batang babae.
Sumunod si Daniel Russell Eoff, 34, na nahatulan ng second degree sexual assault laban sa isang 6–anyos na batang babae.
Kasama rin si Francisco Javier Alvarado, 39, who was convicted in 2017 of child pornography for possessing obscene material depicting a minor in sexual conduct.
Kabilang din sa hindi pinapasok si Michael Allen Turner, 41, dahil sa kasong sexual assault of a child in the second degree.
Hindi rin pinapasok si Matthew Thorin Wall, 46, dahil sa sexual penetration at sexual copulation sa isang 18 anyos na babae, si Todd Lawrence Burchett, 41, dahil sa gross sexual imposition kaugnay sa isang 13-anyos na batang babae at William Emil Wanket, 40, dahil sa pang-aabuso sa isang 2-anyos na batang babae. GENE ADSUARA
-
Mental Health Emergency, pinadedeklara
BUNSOD na rin sa naiulat na pagtaas sa bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay, nanawagan ang Kabataan Party List kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng Mental Health Emergency. Nag-aalala rin ang partylist sa report ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na nasa total na 404 […]
-
CHRIS EVANS, planong bumisita sa Pilipinas pag maayos at ligtas na
PAGKATAPOS na maging bagong celebrity endorser ng Smart Communication, nasa plano na raw ng Marvel Cinematic Universe actor na si Chris Evans ang bumisita sa Pilipinas kapag maayos at ligtas na ang bumiyahe. Kelan lang daw nalaman ng aktor na maraming magagandang pasyalan sa Pilipinas. “What do I know about the Philippines? […]
-
Inaming nagkulang sa paglalambing noon: MATET, ngayon lang na-realize na sana’y mas naging mabuting anak ni NORA
INAMIN ni Matet de Leon na nagkulang siya sa paglambing noon kay Nora Aunor. Ngayon lang kasi niya na-realize na sana’y naging mas mabuting anak siya sa kanyang inang Superstar. “Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi noong bata po kami, si mommy nga laging busy. So […]