• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa Agrarian Reform beneficiaries sa Coron: Land is now yours

MAHIGIT sa 2,000 agrarian reform beneficiaries kabilang na ang mga agriculture graduate at rebel returnee ang nakatanggap ng titulo ng lupa mula kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Coron, Palawan.

 

 

Sa isang maliit na seremonya sa lumang gymnasium ng naturang bayan, namahagi si Pangulong Marcos ng certificate of land ownership awards (CLOAs) at e-titles sa 1,217 benepisaryo.

 

Sakop ng nabanggit na titulo ang mahigit sa 3,000 ektarya ng lupa sa loob ng Busuanga Pasture Reserve.

 

Sa nasabi pa ring event, tinurn over naman ni Pangulong Marcos ang tatlong farm-to-market road na kompletong proyekto na iniuugnay sa agricultural areas sa tatlong bayan sa Palawan.

 

Ang Pangulo sa pamamagitan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, pinalampas at kinalimutan na ang lahat ng outstanding amortization para sa lahat ng agrarian land kabilang na ang nasa distribution program.

 

“Hindi na kayo dapat mag-alala, sa inyo na ang lupa,” aniya pa rin.

 

Ipinangako rin ng Punong Ehekutibo na ipaprayoridad ang agriculture graduates sa land distribution.

 

Sa kabilang dako, binigyang-diin naman ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama ang kahalagahan na isama ang mga ‘future farmer’ sa programa.

 

“Ang pagbibigay ng titulo ng sakahan sa mga graduate ng agriculture-related courses ay paghikayat sa mga kabataan sa pagpasok sa pagsasaka para sa ating food sufficiency,” ang sinabi ni Villarama.

 

Aniya pa, ang land distribution ay isa ring paraan para isama ang mga dating rebelde sa food production.

 

“Alam naman natin na ang mga namundok ang dahilan nila kung bakit sila namundok kasi wala silang sariling lupang sakahan. Paghikayat ito sa iba pa na bumalik na sila dahil may mga lupang sakahan para sa kanila,” ang sinabi ni Villarama.

 

Matatandaang, mula nang umupo si Pangulong Marcos, mayroong 1.38 milyong ektarya ng agricultural land ang nakahanda ng ipamigay.

 

Sa katunayan, namahagi na ang Pangulo ng 140,000 ektarya simula pa noong 2022. (Daris Jose)

Other News
  • F2, Perlas sasalang din sa bubble training

    Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.     Target ng Cargo Mo­vers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas.     Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and […]

  • Balik primetime bilang si ‘Black Rider’: RURU, nagpapasalamat na natupad ang pangarap na makagawa ng isang full-action series.

    NGAYONG  Nobyembre 6, abangan ang pagbabalik ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa action-packed Filipino drama series ng GMA Network na “Black Rider.”     Mula sa award-winning group na GMA Public Affairs, tampok sa full-action series na ito ang kabayanihan, paghihiganti, hustisya, at kuwentong pampamilya.     Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo […]

  • 50th MMFF, paghahandaan na ng MMDA: VILMA at CEDRICK, aabangan kung magwawagi uli sa ‘Manila International Film Festival’

    KINUMPIRMA ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na noong ika-7 ng Enero, ang opisyal na pagtatapos sana ng 49th Metro Manila Film Festival, ang 10 pelikulang pinalabas ay sama-samang nakapagtala ng P1.069 bilyon, na kinabog ang dating record na hawak noong 2018 edisyon ng taunang pagdiriwang.       Ang 44th MMFF ay nakapagtala ng […]