• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang kulong sa P200K droga sa Valenzuela

KALABOSO ang 58-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.

 

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Malou”, 58, ng Brgy. Rincon.

 

Ayon kay Col. Cayaban, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang suspek sa kahabaan ng Pasolo Road, Brgy. Pasolo matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani SDEU chief P/Capt. Joan Dorado, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 32 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P217,600.00, buy bust money na isang P500 bill at walong P1,000 boodle money, coin purse at P200 recovered money.

 

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa umano’y illegal drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

Sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • LTO pinag-aaralan kung dadagdagan ang tanong sa driver’s license exam

    PINAG-AARALAN ng Land Transportation Office (LTO) kung dadagdagan ang mga tanong sa driver’s license exam na binibigay sa mga kumukuhang motorista.       Dahil na rin sa mga nakaraang insidente ng mga road rage kung kaya’t naisip ni assistant secretary Vigor Mendoza II niya na dagdagan ang mga katanungan dito.       “We […]

  • DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

    INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.     Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.     Paliwanag ni DOTr […]

  • Ads November 6, 2021