• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, muling isinailalim sa MECQ

LUNGSOD NG MALOLOS – Kagyat na nagpatawag ng pulong si Gob. Daniel R. Fernando kasama ang Inter-Agency Task Force matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling isasailalim ang Bulacan kasama ang iba pang lalawigan na nakapalibot sa National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 4-18 dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

“Medyo nabigla po ang lahat, sarado na naman ang maraming establishments. But let us face the reality, hindi naman ito matitigil hanggang walang vaccine kaya pataas pero ang bantayan natin ay ang mas marami ang makarecover at hindi tayo magka-casualty. Mahirap ‘yung tatahakin natin na ito, but we need to fight until we heal,” ani Fernando.

 

Ayon kay Bulacan PNP Provincial Director Lawrence Cajipe, babantayan nila ang 21 controlled points na hangganan ng Bulacan, 52 na inter-municipality at 13 pasukan at labasan sa lalawigan habang mahigpit na sinusunod ang mga alituntunin ng MECQ.

 

Nakasaad sa alituntunin na suspendido ang pampublikong transportasyon, sarado ang mga paaralan, mahahalagang serbisyo lamang ang papayagan sa malls, walang malakihang pagtitipon, 50 porsyento lamang ng mga empleyado na may skeletal na iskedyul ang pahihintulutang pumasok habang work from home ang iba.

 

Ibinahagi naman ni Dr. Jocelyn Gomez, pinuno ng Provincial Health Office-Public Health, na sa huling tala nitong Agosto 3, mayroong 1,499 na kaso ng COVID-19, 462 ang gumaling habang 49 ang namatay sa Bulacan.

 

Aniya, may mga barangay at kabahayan na nasa ilalim ng localized zoning containment kabilang ang mga barangay ng San Nicolas at Bambang sa bayan ng Bulakan na matatapos sa Agosto 8 at 12; pitong kabahayan sa anim na barangay sa Plaridel na magtatapos sa Agosto 7; at 85 kabahayan sa Brgy. Ibayo, Hagonoy na matatapos sa Agosto 5.

 

Bukod dito, sinabi ni Rowena Joson -Tiongson, pinuno ng Provincial Social Welfare and Development Office, na naipamigay na nila ang 250,000 na mga survey form sa 569 na mga barangay sa lalawigan para sa contact tracing sa mga nagtatrabaho sa labas ng Bulacan.

 

Gayundin, sinabi ni Mayor Ambrosio Cruz, Jr., pangulo ng LMP Bulacan at miyembro ng IATF, na binanggit niya sa pulong kasama ang mga kapitan ng barangay na kailangang mahigpit na ipatupad ang mga alituntunin at maramdaman ito ng publiko.

 

“Kailangan maramdaman ng tao na may paghihigpit, kailangan maramdaman ng tao na kailangan natin sila sa laban na ‘to,” ani Cruz. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Lakers, dumanas ng 29 point-loss sa kamay ng Wolves

    TINAMBAKAN ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers ng 29 points (Dec. 3), 109 – 80.       Ipinalasap ng Wolves sa Lakers ang ika-siyam na pagkatalo ngayong season sa pangunguna ng bigman na si Rudy Gobert na nagpasok ng 17 points at nagbulsa ng 12 rebounds.     Nagdagdag naman ng 18 points […]

  • Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

    NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residinte ng lungsod.       Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.       Maliban sa mga […]

  • DOCTOR STRANGE MAKES HIS RETURN TO THE BIG SCREEN

    IN Hollywood, stars Benedict Cumberbatch, Elizabeth Olsen, Benedict Wong, Xochitl Gomez, Rachel McAdams, Jett Klyne, Julian Hilliard, Sheila Atim, Adam Hugill and Charlie Norton joined director Sam Raimi, producer Kevin Feige, executive producers Louis D’Esposito, Victoria Alonso, Eric Carroll and Scott Derrickson, screenwriter Michael Waldron and composer Danny Elfman for a walk down the red […]