• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, kailangan ng mag-hire ng 2,855 health workers

PANAHON na para mag-hire ang gobyerno ng 2,855 health workers para tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ito ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ay dahil patuloy na nakikita ng bansa ang patuloy na pagsirit ng bilang ng virus infections.

Sa nasabing bilang 9,365 ang kailangan na health workers.

Sa ngayon, ang pamahalaan ay mayroon nang napunan na 6,510 positions o katumbas ng 69.51 percent.

“Tayo po sa pamahalaan ay actively nagre-recruit pa po ng health workers,” ayon kay Nograles.

Mapapansin sa kasalukuyan na ang mga health workers ay headlines sa balita matapos umapela ang mga ito sa pamahalaan ng ‘timeout’ mula sa overwork at safety concerns dulot ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

‘As of Aug. 2,’ sinabi ng health department na mayroong 5,096 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng mga health workers, kung saan ay 405 ang active cases.

Nitong linggo ay tinugon ni Pangulong Duterte ang panawagan ng mga health workers na ibalik ang Metro Manila sa stricter community quarantine dahil sa hirap na nararanasan na nila sa paglaban sa virus.

 

Ang modified enhanced community quarantine ay ipinatutupad ngayon sa Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal at nakatakdang magtapos sa Agosto 18.

Sinabi ni Nograles na ang pagtugon ni Pangulong Duterte sa nasabing panawagan ay malinaw na isa itong “listening leader.”

“Hindi naman po caved in, nakinig si Pangulo sa side ng ating mga health workers dahil si Pangulo naman ay President na nakikinig sa lahat ng angles at multi-sectoral ang approach natin,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Kalagayan ng healthcare workers, ikinababahala ng mga Obispo

    Nababahala na ang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa kalagayan ng mga medical health worker na isinasantabi ng pamahalaan ang financial benefits.     Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat lamang na ipagpasalamat at pahalagahan ang pagsasakripisyo ng mga healthcare workers sapagkat sila ang tumutulong at naghahatid ng lunas laban sa umiiral na pandemyang […]

  • 5 babaeng Vietnamese, nasagip sa prostitusyon

    LIMANG babaeng Vietnamese nationals ang nai­ligtas habang dalawa pang dayuhan ang dinakip sa entrapment operation ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa pambubugaw umano ng mga babae para sa panandaliang aliw, sa Parañaque City, kamakalawa ng madaling araw.     Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion […]

  • DSWD enhances PBBM admin’s food stamp program to promote self-sufficiency and contribute to nation-building

    THE DEPARTMENT of Social Welfare and Development (DSWD) is making adjustments to the food stamp program initiated by President Ferdinand R. Marcos Jr.’s administration, aiming to empower beneficiaries and encourage their active participation in nation-building.       DSWD Undersecretary Edu Punay said they are now working on the design of the food program to […]