• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIBA pinayuhan ang Indonesia na dapat makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup

Pinayuhan ng FIBA ang Indonesia na kailangan nilang makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup.

 

Ito ay dahil isa ang nasabing bansa na magiging host 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Pilipinas.

 

Ayon sa FIBA Executive Committee, dapat makapasok sa top eight ang Indonesia sa 2021 FIBA Asia Cup para sa makapasok sa quadrennial meet.

 

Kapag nakapasok sa top 8 ang Indonesia sa FIBA Asia Cup 2021 ay mababawasan ng isa ang FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.

 

Sakaling mabigo naman ang Indonesia sa top eight, magpapatupad ang FIBA ng general rules para sa qualification sa FIBA World Cup 2023.

 

Noong Pebrero sana ang 2021 FIBA Asia Cup subalit ito ay sinuspendi dahil sa coronavirus pandemic.

 

Kapwa kasi nakakuha na ng direct qualification ang Japan at Pilipinas na naglaro noong 2019 FIBA World Cup.

 

Magiging host ang Pilipinas sa final phase ng 2023 FIBA World Cup habang ang mga laro mula sa group phase ay gaganapin sa Japan at Indonesia.

Other News
  • Kyrgios at Tsitsipas minultahan ng Wimbledon

    PINATAWAN  ng multa ng Wimbledon ang sina tennis star Nick Kyrgios at Stefanos Tsitsipas.     Ito ay matapos ang naganap na bangayan nila ng sila ay magharap sa ikatlong round ng nasabing torneo.     Mayroong $10,000 na multa ang world number 5 na si Tsiptsipas dahil sa unsportmanlike conduct.     Itinuturing na […]

  • Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million

    Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.     Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay […]

  • ‘Wall of Heroes:’ Dambana para sa mga yumaong medical frontliners, asahan – PH gov’t

    Nagpapatayo ng dambana ang pamahalaan bilang pagkilala sa mga healthcare workers na nagsilbing frontliners at namatay dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).     Kabilang ito sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ika-123 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.   Ayon sa presidente, itinatayo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang […]