Dahil hands-on mom sa tatlong anak: JUDY ANN, nilalatag ang mga petsang puwedeng mag-shoot o mag-taping
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
HANDS-ON bilang ina si Judy Ann Santos at nakatutok sa lahat ng ganap ng kanilang tatlong anak ni Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho at Luna.
Kaya naman kapag may pelikula o serye siyang ginagawa ay umiikot ang work schedule niya sa schedule ng mga anak niya.
Ipinaaalam niya agad sa produksyon kung ano ang mga petsa na hindi siya puwedeng mag-shoot o mag-taping.
“Kaya simula pa lang nilalatag ko na,” say ni Juday.
“And I am very grateful na naintindihan naman iyon ni Atty. Joji at ni direk Chito.”
Ang producer na si Attorney Joji Alonso ng Quantum Films ang tinutukoy ni Juday na producer ng bago niyang pelikula, ang ‘Espantaho’, at ang direktor nilang si Chito Roño.
“Nung una kaming nagkita parang hindi pa rin ako makapaniwala na, ‘Okay, totoo na ‘to, nangyayari na ‘to.’
“Siyempre sa bawat first shooting day naman puro light scenes pa lang, nandun pa yung warming up with the cast.”
Kasama ni Juday sa ‘Espantaho’ ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino at ang mga beteranang aktres na sina Chanda Romero at Janice de Belen.
Nasa cast rin ng nabanggit na pelikula sina JC Santos, Donna Cariaga, Nico Antonio, Kian Co, Mon Confiado, Tommy Abuel at Eugene Domingo.
“So, nung nakita ko na yung buong cast, magkakasama na kami, nao-overwhelm na ako!
“Yung nae-excite na ako, nakikita ko na, nakikita ko na yung eksena, hindi pa namin sinu-shoot nakikita ko na kung ano’ng mangyayari.
“Na ang likot din ng utak ni direk Chito dito sa pelikulang ‘to. Yung magugulat ka biglang iba na yung gagawin mo sa nabasa mo sa script.
“So it’s more of parang impromptu? Not the acting but yung storyline niya.
“Parang biglang may gulatan kaya nakakaaliw din, nakaka-excite kung ano yung magiging end product namin,” ang excited na pahayag pa ni Judy Ann.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
‘SINISTER’, THE SCARIEST MOVIE ACCORDING TO VIEWERS’ HEART RATES
WE have different tastes in horror movies. Some people need a compelling story to go with the scares, while others just appreciate the thrills and tons of jump scares. Some would enjoy the gore, and others would prefer to skip them. This is why naming the scariest movie of all time will probably […]
-
Voter’s registration sa mga mall, aarangkada sa Disyembre
MAGPAPATULOY muli ang pagsasagawa ng voters registration sa limang piling shopping malls sa National Capital Region (NCR) sa darating na Disyembre 17. Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Election (Comelec) en banc noong Oktubre 26 ang operational plan ng ‘Register Anywhere Project’ (RAP) ng komisyon. Subalit, tutukuyin pa sa mga susunod na […]
-
Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy
INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy. “Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya. “Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress. Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na […]