• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paglilipat ng mga hinatulang inmates ipinatigil ng SC

Ipinatigil pansamantala ng Supreme Court (SC) ang paglilipat sa kustodiya ng mga bilangguang pinatatakbo ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga bilanggong nahatulan ng korte dahil umano sa patuloy na banta COVID-19.

 

Sinabi ni SC Court Administrator Jose Midas Marquez na lahat ng nahatulang inmates mula Hulyo 29 hanggang Agosto 31 na dapat ililipat sa mga pasilidad ng BuCor ay mananatili muna sa mga kulungan na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

Base na rin ito sa kahilingan ni BuCor Director General Gerald Bantag na suspindihin muna ang paglalabas ng ‘commitment orders’ sa kanila para malimitahan ang galaw ng mga bilanggo at maiwasan ang hawahan.

 

Matatandaan na 21 bilanggo na sa New Bilibid Prisons (NBP) ang kumpirmadong nasawi dahil sa COVID-19 habang nasa 343 ang tinamaan nitong Hulyo 20.

 

Unang iniutos ng SC sa mga korte na ilagay muna sa kustodiya ng mga bilangguan ng pulisya ang mga bagong nahuhuling suspek sa krimen sa halip na sa mga city jails.

Other News
  • Kelot na suspek sa pagpatay sa bebot sa Valenzuela, timbog

    ARESTADO ang isang construction worker na pangunahing suspek na pumatay sa isang babae at malubhang ikinasugat ng kasama nito makaraang masukol ng pulisya sa kanyang tirahan sa Valenzuela City.         Sa ulat, inabangan ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang 40-anyos na si alyas “Rey”, sa kanyang pag-uwi […]

  • 80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG

    Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.     Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at […]

  • Babala sa hoarders: 15 taong kulong, P2M multa ipapataw

    PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease.   Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay […]