• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, handa na ngayon para sa high-tech, high-impact investments

HANDA na ngayon ang Pilipinas na maging “go to destination” ng high-tech at high-impact investments.

 

Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos pangunahan ng inagurasyon ng StBattalion (StB) Giga Factory sa isang ceremonial switch-on sa Filinvest Innovation Park sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
A

 

ng StBattalion (StB) Giga Factory ay ang unang manufacturing plant para sa lithium-iron-phosphate batteries.

 

Ang StBattalion (StB) Giga Factory ay pinondohan ng Australian investment firm St Baker Energy, ang proyekto ay bahagi ng investment commitments na nakuha ni Pangulong Marcos sa kanyang naging byahe sa Melbourne noong Marso ngayong taon para sa ASEAN-Australia Special Summit.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, pinuri nito ang proyekto dahil naging katuparan sa tamang oras.

 

Mailalagay din aniya nito ang Pilipinas bilang regional leader sa ‘clean storage at renewable energy.’

 

“It sends this message to the world. The Philippines is now ready to innovate, to lead, to become the go to destination for high-tech, high impact investments, as the first manufacturing plant in the Philippines for advanced iron phosphate batteries, often used in renewable energy and electrical vehicles,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“The StB Giga Factory sets the stage for the Philippines to become a player in clean storage in our part of the world, in Southeast Asia, in our region,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang StB Giga Factory para sa pagtatatag ng pundasyon para sa “cleaner, greener, and more prosperous Bagong Pilipinas.”

 

Sa naging talumpati pa rin ng Pangulo, nangako ito na patuloy na isusulong ang pagbabago na ‘deserve’ ng bawat Filipino kahit pa sa harap ng kahirapan at kalamidad.

 

“To the entire team behind the StB Giga Factory, thank you for taking this leap of faith with us. You have established a foundation for a cleaner, greener, and more prosperous Bagong Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

“And to the rest of us, I will say, don’t blink. Change is happening faster than you think, even when faced with challenges like Typhoon Julian. While we are here discussing innovation, the government is working behind the scenes.” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

 

“Thousands of family food packs are now being prepared, healthcare centers are on high alert, and our farmers and fisherfolk are taking steps to safeguard their livelihoods. Typhoon Julian is going to pass north of the Philippines. So, those in Regions 1, 2, and 3 as well as NCR and CAR— know that we are not just talking about resilience; we are making it happen,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Samantala, ang StB Giga Factory ay magbubukas ng 2,500 direct at indirect jobs sa larangan ng engineering, technical, finance at administrative personnel para sa mga Filipino sa oras na umabot na ito sa full production capacity sa 2030.

 

“At full production capacity, StB Giga is also expected to pour in over PHP5 billion annually into the local economy, with contributions coming from businesses, suppliers and partners benefiting from their operations,” ayon sa ulat.

 

“The initial production line of StB Giga has a capacity of 300 megawatt-hours (MWh) annually, equivalent to about 6,000 electric vehicles (EVs) batteries or about 60,000 home battery systems in developing countries such as the Philippines,” ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM nakatutok sa paghina ng piso

    MAHIGPIT  na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Bagaman at hindi napag-usapan sa isinagawang meeting ng Gabinete ang isyu sa paghina ng piso kontra dolyar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa kanyang economic team.     Naitala noong Setyembre […]

  • Sec. Roque, hindi pa masabi kung extended o hindi ang ECQ sa NCR

    HINDI pa masabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung dapat ba o hindi na palawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) na magtataposa Agosto 20, 2021.   Ang katwiran ni Sec. Roque, may ilang araw pa naman bago makita ang datos na pagbabasehan kung quarantine status sa NCR.   “Ang […]

  • P540B bagong utang ng gobyerno aprub sa BSP

    INAPRUBAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panibagong utang ng gobyerno na nagkakahalaga ng P540 bilyon para mapunan ang pangangailangan bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.   Ayon kay BSP Governor Ben- jamin Diokno, ngayong Huwebes lang inaprubahan BSP ang kahilingang P540 bilyon para sa panibagong tranche ng provisional advances ng pamahalaan.   Ipinaliwanag […]