May 1 pang dapat gawin para makalaro si Abueva
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPLETO na lahat ni Calvin Abueva ang requirements sa kanya ng Philippine Basketball Association o PBA upang maalis ang indefinite suspension na nagsimula noon pang Hunyo 2019.
Pero may isang kailangan pang tuparin o isagawa ang PBA star, na pinagkakatanggi-tanggi lang kamakalawa ni professional league Commissioner Wilfrido (Willie) Marcial kung ano pa ang bagay na iyon.
Pero sa kabila noon, may pag-asa nang makalaro ang The Beast sa 45 th PBA Philippine Cup 2020 elimina- tions restart sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles City, Pampanga sa Linggo, Oktubre 11.
Nasa bubble na rin si Abueva, kabilang official lineup ng Phoenix Super LPG Fuel Masters. Dapat niyang gawin o sundin ang requirement para maalis ang asterisk sa pangalan niya sa listahan.
Sapagkat kung hindi, malamang na sa kuwarto lang ng delegasyon ng liga sa Quest Hotel niya panonoorin ang mga laro ng kakampi niya sa liquified petroleum gas.
Sumailalim na rin ang 32-taong-gulang, may taas na 6-2 at tubong Angeles, Pampanga sa online seminar sa Code of Conduct of a Professional Player and Gender Sensitivity Issues ng Games and Amusements Board o GAB para maibalik ang kanyang profes- sional playing license.
Kabit-kabit ang ang mga kasalanan ni Phoenix forward da unang Asia’s play-for-pay hoop bago hinambalos ni Marcial indefinite suspension sa nakaraang taon.
Pinakitaan niya nang kabastusan at pinagsalitaan ng hindi maganda ang dyowa ni Bobby Ray Parks. Jr. sa laro ng Phoenix at Blackwater. Sa next game ng team niya, binigyan ni Abueva ng matinding clothesline si TNT import Terrence Jones.
Pagkapataw nang walang katiyakang ban sa kanya ng PBA, inakusahan naman siya ng asawang si Salome Alejandra (Sam) Abueva ng physical at sexual harassment. Nagkaayos naman pagkaraan ang mag-asawa at nagbalikan na.
Dapat ding magpa-mandatory drug test na na parte ng medical requirements ang basketbolistang standout ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) mula sa San Sebastian Golden Stags kung gusto pa niyang makabalik-liga. (REC)
-
Inbound, outbound mails delay muna – PHLPost
BUNSOD ng ng mga kaso ng Corona Virus Disease o COVID-19, maaantala ang lahat ng inbound at outbound mails o mga sulat mula sa iba’t ibang bansa. Ito ang abiso ng Philippine Postal Corporation o PHLPost sa publiko na naghihintay ng kanilang mga koryo. Partikular na apektado ang mga sulat mula at patungong Mainland […]
-
Estate Tax Amnesty, palawigin
IPINASA ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig sa ipinatutupad na Estate Tax Amnesty ng dalawang taon o hanggang 2025. Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon sa mga taxpayer para mabayaran ang kanilang tax obligations. Base sa Republic Act no.11569 na inamyendahan ng RA 11213 o ang […]
-
P5.9-B pinsala naitala sa agri sector dahil sa El Niño – DA
SUMAMPA na sa P5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura. Ayon kay DA ASec. Arnel de Mesa nasa 80, 000 na mga magsasaka ang apektado ng El Niño. Pinaka-malaki rito ay ang mga magsasaka ng palay na nasa halos 60, 000. […]