Trabaho sa Korte, suspendido sa Oct 14 at 15
- Published on October 12, 2024
- by @peoplesbalita
SUSPENDIDO ang trabaho sa mga Korte sa Manila at Pasay sa Okt.14 at 15 ,2024 .
Sa memorandum order na inilabas ni Acting Chief Justice Matvic M.V.F Leonen, inanunsyo na kasama sa suspendido ang trabaho sa Korte Suprema, Court of Appeals at lahat ng first at second level courts sa nabanggit ng dalawang lungsod .
Dahil ito sa inaasahang matinding trapiko sa pagbubukas ng 10th Session ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction in the Philippine International Convention Center.
Pero, ang work suspension ay hindi ilalapat sa mga Korte na kailangang magproseso ng mga piyansa, mga utos ng pagpapalaya o iba pang writ of liberty, o sa mga kailangang maghatid ng mga utos ng proteksyon sa loob ng araw. GENE ADSUARA
-
Libo-libong seafarer, nanganganib mawalan ng trabaho
Nanganganib na mawalan ng trabaho ang libo-libong seafarer matapos madiskubre na 61 maritime school sa bansa ay bigong sumunod sa itinakdang regulasyon ng Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW) convention. Natuklasan ito sa pakikipagpulong ni Marino Party-list First Rep. Sandro Gonzalez sa Maritime Industry Authority (MARINA) kung saa’y sa report ng […]
-
Cray nag-bronze medal sa Florida track and field
DUMALE si Eric Shauwn Cray ng bronze medal sa kakaarangkadang NACAC New Life Invitational tourney sa Ansin Sports Complex, Miramar, Florida. Pumoste ang 2020 Tokyo Olympics hopeful ng 49.68 seconds sa sa men’s 400 meter hurdles event. Pero bitin pa rin ang oras para sa Olympics standard time na 48.90 seconds. […]
-
DOH: ‘2021 pa posibleng isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas’
AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi malabong ibaba na sa antas ng modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa unang quarter ng 2021 kung matagumpay na maaabot ng local government units ang mga itinakdang batayan ng mga eksperto. Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, may itinakda silang “gatekeeping indicators” […]