• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TNT lalapit sa finals

LALAPIT ang nagdedepensang TNT Tropang Giga sa pagdakma sa championship ticket, habang mag-uunahan ang San Miguel at Barangay Ginebra sa 2-1 lead sa Season 49 PBA Governors’ Cup semifinal series.

 

 

Hawak ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semis showdown, sasagupain ng Tropang Giga ang Rain or Shine Elasto Painters sa Game Three ngayong alas-7:30 ng gabi sa Dasmariñas City Arena sa Cavite.

 

Tinalo ng TNT ang Rain or Shine sa Game One, 90-81, at sa Game Two, 108-91, para makalapit sa pang-23 finals appearance target ang ika-10 korona.

 

“We can’t take our foot off the pedal,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes sa serye nila ng Elasto Pain­ters. “It’s nice to be up 2-0, but it takes four (wins) to get to the next stage.”

 

 

Muling aasahan ng TNT sina import Rondae Hollis-Jefferson, Calvin Oftana, Roger Pogoy, Jayson Castro at Henry Galinato katapat sina reinforcement Aaron Fuller, Beau Belga, Jhonard Clarito, Andrei Caracut at Adrian Nocom ng Rain or Shine.

 

 

Naniniwala si Elasto Painters’ mentor Yeng Guiao na makakaisa sila sa Tropang Giga.

 

 

“When you’re down 0-2, survival mode ka na. We just want to win one game and hope the momentum shifts,” ani Guiao.

 

Paglalabanan naman ng Beermen at Gin Kings ang 2-1 lead sa kanilang serye sa alas-5 ng hapon.

 

 

Inangkin ng Ginebra ang Game One, 122-105, bago nakatabla ang San Miguel sa Game Two via overtime, 131-125.

 

 

Sasandigan ng SMB sina import EJ Ano­sike, eight-time PBA MVP June Mar Fajardo, CJ Perez, Marcio Lassiter at Terrence Romeo na nagsalpak ng siyam sa kanyang 26 points sa extension.

Other News
  • SOLO PARENTS SA NAVOTAS NAKATANGGAP NG CASH AID

    NASA 200 Navoteños na kuwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamamagitan ng pondo ng Gender and Development (GAD).     Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay parte din ng  serye ng pandemic recovery programs ng […]

  • 2 wanted persons, nalambat ng Valenzuela police

    KALABOSO ang dalawang wanted persons matapos mabitag ng mga operatiba ng Valenzuela police sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa pangunguna […]

  • DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.     Sa isang simpleng programa, sinabi […]