• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Non-essential travel muling sinuspinde

Muling sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management for Emerging Infectious Diseases ang non-essential travels o mga hindi importanteng biyahe palabas ng bansa.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang kumpanya lamang ang pumayag na magbi­gay ng travel at health insurance na isa sa mga requirements para makalabas ng bansa.

 

Nais ng gobyerno na matiyak na may sasagot sa gastusin ng pasahero sakaling magkaroon ng rebooking o kaya ay kaila­nganing dalhin sa ospital dahil sa COVID-19.

 

“Ang malungkot na balita po, iisang insu­rance company lamang sa Pilipinas ang puma­yag ng ganitong travel and health insurance kaya sinuspendi muna ng IATF ang non-essential outbound travel,” ani Roque.

 

Hindi naman binanggit ni Roque ang pangalan ng health at insurance company.

 

Pero maaaring bumiyahe palabas ng bansa ang mga may kumpirmado ng bookings noon pang Hulyo 20.

 

Sinabi ni Roque na maghahanap pa ng maraming insurance companies na papayag sagutin ang gastos ng mga pasahero sakaling magkaroon ng aberya. (Ara Romero)

Other News
  • Queen of Pop Madonna Regrets Turning Down A Role In ‘The Matrix’ And Catwoman In ‘Batman Returns’

    THE Queen of Pop regrets saying no to a role in The Matrix, though she didn’t specify which role.     Madonna revealed the news on NBC’s The Tonight Show to host Jimmy Fallon.     “I turned down the role in The Matrix, can you believe that?” she said to Fallon.     “I wanted to kill myself. That’s […]

  • Ads October 4, 2021

  • Underwear ni NBA legend Michael Jordan naibenta sa auction katumbas ng P140,000

    Nabili sa auction ang underwear ni NBA legend Michael Jordan.     Ayon sa Lelands Auctions nabili ito sa halagan $2,784 o nasa P140,000.     Umabot sa 19 na bidders ang nagkainteres.     Ang nasabing underwear ay naitago ng kaibigan ng bodyguard ng Chicago Bulls star na si John Michael Wozniak.