• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa 16th Star Awards for Music: DONNY at BELLE, waging Male and Female Pop Artist of the Year

ISA sa pinakasikat na young aktor sa ngayon ay ang anak Maricel Laxa at Anthony Pa­ngilinan na si Donny Pangilinan.

 

Ang mga nabanggit na parents ni Donny ang tumatayong talent manager niya.

 

Isa si Donny sa mga inaalagaan ngayon ng Kapamilya network and no doubt ang tambalang Donny at Belle Mariano ang pumatok nang husto.

 

Pagdating sa mga proyekto na inaalok sa kanila ng network, lalo na yung kung sino ang makakapareha ay wala raw nagiging problema si Maricel para sa panganay na anak.

 

“Parang hindi pa naman kami pumupunta sa ganoong klaseng usapan. Kasi it’s really been DonBelle for the longest time. I’m a DonBelle fan,” sey pa ni Maricel sa isang interview.

 

Ayon pa rin sa semi-retired actress ay wala rin daw namang problema at hindi raw naman siya nakikialam kung sino ang gusto ni Donny na makasama sa tunay na buhay.

 

Kumbaga, hinayaan na raw niya at malayang magdesisyon si Donny para sa sariling mga kagustuhan.

 

“We manage him but we don’t own him. That’s very clear. We’re just taking care of him. We’re helping him take care of what he has so that he can be better at what he’s doing to help other people,” lahad pa rin ni Maricel.

 

Kamakailan lamang ay dumaan sa isang operasyon ang mister ni Maricel.

 

Sa ngayon daw ay patuloy nang bumubuti ang kalagayan ni Anthony.

 

“He’s doing much better. He’s back to work. Nagtatrabaho na, nagwo-walking, lahat. I mean, that’s the only way he will heal. We were in the hospital for three weeks.

 

“Ngayon he is recovering. It’s been two weeks out of the hospital. We didn’t want to make it public. We just wanted a private time para sa pamilya so that we could heal properly, all of us.

 

“Kasi kapag dumadaan sa ganitong challenge sa buhay, kailangan ng suporta ng bawat isa. And so we went through it quietly and it’s the most beautiful thing to go through together,” paliwanag ng aktres.

 

***

 

SPEAKING of Donny Pangilinan, ang sikat na aktor ang nanalong Male Pop Artist of the Year sa 16th Star Awards for Music.

 

Ang nasabing PMPC awards night ay gaganapin sa October 27, 6PM, sa Carlos P. Romulo Auditorium RCBC Plaza, Makati City.

 

Kabilang pa sa winners ay sina Kings of PPop, ang SB19 na ang hit song na “Gento” ay nanalong Dance Recording of the Year.

 

Nagwagi naman ang Ben&Ben ng Music Video of the Year para sa revival song nilang “The Way You Look At Me,” na ang music video ay idinirehe ni Blasgil Tanquilut.

 

Ang original singer ng naturang awitin na si Christian Bautista ay may special appearance sa music video na tampok sina Barbie Forteza at David Licauco.

 

Panalo ng Collaboration of the Year ang pagsasama nina Gary Valenciano at Gloc-9 sa kantang “Walang Pumapalakpak.” Nasungkit din ni Gloc-9 ang Rap Album of the Year para sa kanyang album na “Pilak.”

 

Sigurado namang masayang-masaya ang DonBelle fans dahil nagwagi ang kanilang mga idolo sa magkahiwalay na Pop categories. Si Donny Pangilinan ang itinanghal na Male Pop Artist of the Year para sa single niyang “Biglaan” kasama ang hitmaker ding si Maki sa kantang “Saan.” Nakuha naman ni Belle Mariano ang Female Pop Artist of the Year para sa awitin niyang “Bugambilya”.

 

Nangabog naman sina Kim Chiu, Maymay Entrata, at Vice Ganda sa Novelty categories. Si Kim Chiu ang itinanghal na Novelty Artist of the Year para sa kanta niyang “Ms. Ukay.”

 

Naghati naman sa award na Novelty Song of the Year ang “Rampa” ni Vice Ganda at ang “Autodedma” ni Maymay.

 

Mag-uuwi rin ng mga parangal ang multi-awarded hitmakers na sina Zack Tabudlo (Pop Album of the Year – 3rd Time’s A Charm); Moira dela Torre (Female Acoustic Artist of the Year – Eme); Juan Karlos (Rock Album of the Year – Sad Songs and Bullshit); KZ Tandingan (Female R&B Artist of the Year -Kailan Pa Ma’y Ikaw): at Kris Lawrence (Male R&B Artist of the Year – Buti Na Lang).

 

Dahil nga partial list of winners pa lang ang inilalabas ng PMPC, kaabang-abang din kung sino-sino pa ang mga mananalo sa iba pang mga kategorya. Iaanunsiyo ang winners sa natitirang mga kategorya sa mismong awards night.

 

Pangungunahan iyan ng labanan para sa tatanghaling Song of the Year sa pagitan ng SB19 (Gento), BINI (Pantropiko), Juan Karlos (Ere), Zack Tabudlo (Gusto), Moira Dela Torre (Ikaw at Sila), Maki (Saan), at Lola Amour (Raining in Manila).

 

Nominado sa Male Recording Artist of the Year sina Bamboo, Billy Crawford, Christian Bautista, Erik Santos, Juan Karlos, Zack Tabudlo, at Ogie Alcasid.

 

Sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Morisette, Julie Anne San Jose, Katrina Velarde, at Sarah Geronimo naman ang mga nominado sa Female Recording Artist of the Year.

 

Nakaka-excite rin kung sino ang mananalo sa Album of the Year, Duo/Group Artist of the Year, Male and Female Concert Performers of the Year, Duo/Group Concert Performers of the Year, at Concert of the Year.

 

Bibigyan ng espesyal na mga parangal ang industry icons na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at veteran music producer, musical director, at arrranger na si Homer Flores.

 

Igagawad kay Gary ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award, habang pararangalan naman si Homer ng Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award.

 

Ang 16th Star Awards for Music ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Eric Quizon.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Karagdagang financial assistance ibigay sa mga bingi, bulag, pipi at may down syndrome kada taon

    NAIS ni Iloilo Rep. Janette Garin na mabigyan ng karagdagang financial assistance kada taon sa mga taong pipi, bingi, bulag at may mga down syndrome.     Ang panukala ay ginawa ng mambabatas kasunod na rin sa ipinatupad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Iloilo.     “Nararapat lamang po na bigyan ng dagdag […]

  • PDu30, hinikayat ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departamento na tutugon sa hinaing ng mga OFWs

    MULING hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departmento na tutugon sa mga hinaing ng Overseas Filipino Workers (OFWs).   Hiniling nito sa mga mambabatas na bilisan ang pagpapasa ng panukalang departmento.   Matatandaang, hiniling na ito ng Pangulo sa kanyang ika-5 State of the Nation Address […]

  • Mayor Sara, ‘most qualified’ maging susunod na Pangulo ng bansa-Sec. Roque

    NANINIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na si Davao City Mayor Sara Duterte ang “most qualified” na tao para humalili sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa Hunyo 2022.   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa kabila ng naging pahayag naman ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo sa pagka-pangulo […]