• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hinikayat ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departamento na tutugon sa hinaing ng mga OFWs

MULING hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departmento na tutugon sa mga hinaing ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

 

Hiniling nito sa mga mambabatas na bilisan ang pagpapasa ng panukalang departmento.

 

Matatandaang, hiniling na ito ng Pangulo sa kanyang ika-5 State of the Nation Address noong Hulyo.

 

“Itong sa overseas workers, ang ano nito ang rationale, if you may, na wala masyadong focus. Kasi kalaki ng Department of Labor, isa lang ‘yan dito, isang department lang ‘yan,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

“Dito gawaing isang departamento. Pati itong sa maritime, sa mga seafarers, I might consider an additional agency under this proposal. Overseas kasi eh.” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, buwan ng Marso nang tuluyan nang naipasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 5832 o An Act Creating the Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment o DFOFE.

 

Sa botong 173 affirmative, 11 negative at 0 abstention, ay inaprubahan ang panukala sa 3rd at final reading sa huling araw ng sesyon ng Kongreso.

 

Sa ilalim ng panukala, ang kasalukuyang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang magiging central body ng departamento, habang ililipat naman dito ang functions ng Commission on Filipino Overseas, Office of Migrant Workers Affairs, Philippine Labor Offices, at International Affairs Bureau.

 

Magiging attached agency naman ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

 

Kabilang naman sa magiging sakop ng kagawaran ang mga OFW na nasa abroad, OFWs na nakabalik na sa Pilipinas, pamilya ng mga OFW, at lahat ng Pilipinong nasa iba’t ibang bansa.

 

Kakailanganin naman ng inisyal na P5 bilyon na pondo para sa bagong departamento. Kukunin ito mula sa kasalukuyang budget ng mga ahensya, na mapapasailalim na sa bagong departamento.

 

Mayroon ring probisyon sa panukala kung saan matapos ang sampung taon ay sasailalim ito sa review, at maaaring magdesisyon ang Oversight Committee na i-abolish o buwagin ang kagawaran.

 

Isa ang DFOFE sa tatlong ahensya, na pinanawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA), na mabuo kasama ang Department of Disaster Resilence at Department of Water. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PDu30, inaprubahan na ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan

    INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalabas ng gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang serbisyo ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa ilalim ng Administrative Order No. 38, mabibigyan ang mga contractual at job order workers sa gobyerno ng one-time […]

  • Bulacan airport magiging airport gateway sa Luzon

    ANG bagong itatayong Bulacan airport ay isang proyektong makapagbibigay ng tulong sa programa ng pamahalaan upang lumuwag sa Metro Manila at mapalago ang regional development sa buong Luzon.   Si Senator Go ang isa sa nag nag co-sponsored ng House Bill No. 7507 ang isa sa magbibigay sa San Miguel Aerocity Inc. ng franchise upang […]

  • Kinalimutan na at masaya namang nakatulong: ARCI, inaming may artistang nangutang at ‘di nagbayad

    SI Arci Muñoz ang kinuhang celebrity endorser ng JuanHand, isang kumpanya na nagpapautang sa mga nangangailangan.   Kaya naikuwento niya ang tungkol sa karanasan niya ng pagpapautang na hindi na siya binayaran.   Ang natatawang lahad niya, “Ang problem sa akin when people nangungutang sila, I don’t know how to make singil.   “Hindi ko […]