Valenzuela City, nakatanggap ng road lot donations
- Published on October 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng road lot donations mula sa Don Tino Realty & Development Corp. at We Enterprises & Contractors, Inc. kung saan mismong si Mayor WES Gatchalian ang tumanggap ng Transfer Certificate of Title ng nasabing mga lote sa ginanap na turnover ceremony.
Ayon kay Mayor Wes, ang nasabing mga lote ay magsisilbing karagdagang mga lupain para magamit sa road development sa Barangay Marulas at Coloong.
Ang naturang road land donations ay orihinal na pagmamay-ari ng mga nabanggit na corporations para sa kanilang housing projects na Villa Dulalia Fatima Homes, Wellington Homes, at Willshire Homes na matatagpuan sa Barangays Marulas at Coloong.
2,743 square meters mula sa Villa Dulalia Fatima Homes, at 2,317 square meters mula sa Willshire Homes, habang 1,631 square meters naman mula Wellington Homes ang mga parcel ng road lands na binigay sa Valenzuela LGU sa bisa ng Resolution Nos. 2316, 2317, at 2318, respectively.
Noong December 6, 2021, ipinasa ng City Council ang Resolution Nos. 2316, 2317, and 2318, Series of 2021, na nagpapahintulot sa alkalde ng lungsod na tanggapin ang mga road donations mula sa nasabing mga pribadong corporations.
Samantala, nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng plaques of appreciation sa Don Tino Realty & Development Corp. at WE Enterprises & Contractors, Inc. bilang pasasalamat sa kanilang bukas-palad na donasyon ng land parcels.
Kasama ni Mayor WES sa turnover ng donation titles si Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Council, WE Enterprises and Contractors, Inc. Vice President Marvin Gan, Don Tino Realty & Development Corp. Chairman Florentino Dulalia, President Jexter Dulalia, at kanilang mga team. (Richard Mesa)
-
Humbling experience na ginu-groom na ‘next big star’: RURU, feeling blessed and thankful sa opportunity na ibinigay ng GMA
ISA si Ruru Madrid sa ginu-groom ng GMA Network to become it’s next big star. Feeling blessed and thankful si Ruru sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA at ng Sparkle (bagong tawag sa Artist Center na pinamumunuan ni Johnny Manahan). Humbling experience daw ito for Ruru dahil alam niya […]
-
Paano gagawin ng libreng cards sa cashless fare daw?
HINDI katanggap tanggap kay DOTr Sec. Art Tugade na mamigay ng 125,000 cards lang ang Beep sa mga pasahero. At sangayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito. Ang magiging problema lang ay ang pamamahagi ng cards. Kung mag prioritize sila ng mga indigent, unemployed o minimum-wage earners baka kailangan pang mag […]
-
Bilang ng Pinoy na ‘very happy’ sa kanilang love life kumonti — SWS
BUMABA sa 46 percent ang bilang ng mga Pinoy na napakasaya o “very happy” sa kanilang love life. Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), ang naturang percentage ay may 12 points na mababa mula sa 58 percent noong December 2023. Ang 46 percent ay pinakamababa sa loob ng 20 taon mula noong 2004. Nasa […]