• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HVI drug suspect laglag sa P1.3 milyong shabu sa Caloocan

AABOT sa mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong suspek na si alyas “Jerome”, 31, pintor at residente ng Brgy. 18 ng lungsod.

 

 

Ayon kay Lt. Mables, bago ang pagkakaaresto nila sa suspek ay unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng ilegal na droga kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, agad bumuo ng team si Lt. Mables saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-7:22 ng gabi sa Kawal St., Raffle 2, Brgy. 28, matapos umanong bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 201 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P1,366,800 at buy bust money na isang P500 bill at 6-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ng bagong upong OIC ng Northern Police District (NPD) na si Director P/Col. Josefino Ligan ang Caloocan Police SDEU team sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

 

Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of R.A. 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002” sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Trapik sa Kalakhang Maynila, pinuna ni PDU30

    PINUNA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kakulangan sa hakbang at iba’t ibang solusyon na ipinatupad ng mga otoridad para mabawasan ang bigat ng trapik sa Metro Manila.     Sinabi ng Chief Executive na sa Las Pinas, kulang pa rin ang mga nagawa ng hakbang sa kabila ng iba’t ibang paraan ng ginawa para […]

  • Pagtaas ng bilang ng botante, iimbestigahan

    MAGSASAGAWA ng imbestigason ang Commission on Elections (Comelec) sa ulat na may mga lugar na may mataas na bilang ng mga botante .   Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kabilang sa mga lugar na may biglaang pagdami ng bilang ng mga botante ay sa Makati, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, at Batangas.   […]

  • NAVOTAS, DOST, TUP LUMAGDA SA MOA SA PAGPAPAHUSAY SA SOLID WASTE MANAGEMENT

    LUMAGDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan ng Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Department of Science and Technology (DOST), at Technological University of the Philippines (TUP), sa isang memorandum of agreement na naglalayong pahusayin ang solid waste management sa urban waterways sa pamamagitan ng deployment ng Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT).       Ang AQUABOT, […]