• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCG, hindi nag-iisa -PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG) na palaging suportado ng gobyerno ang mga ito lalo na sa kanilang mga pagsubok at misyon para protektahan ang bansa, ang mga mamamayan, ang kanilang ari-arian at karapatan.

 

“Be assured you are never alone in carrying the weight of this mission,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 123rd founding anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Area, Manila.

 

Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay bilang pagkilala sa lumalagong mga hamon na kinahaharap ng maritime industry sa gitna ng umuusbong na ‘climate change, tumataas na sea levels, at geopolitical tensions.’

 

“As we look ahead, we must recognize that the challenges you face are growing more complex. Climate change, rising sea levels, and geopolitical tensions mean that the stakes have never been higher,” ang sinabi ng Pangulo.

 

“Monitoring the country’s Exclusive Economic Zone and patrolling a coastline spanning over 37 million kilometers is not an easy job for the PCG,” ayon pa rin sa Chief Executive.

 

“Carrying it out with the added weight of isolation, dangers of unpredictable seas, and the constant pressure to protect resources is more than just a job but a “responsibility that speaks to the core of what it means to serve this country,” ang winika nito.

 

Pagbubunyi at pagdakila sa dedikasyon at walang kapagurang serbisyo ng PCG, iginiit ng Pangulo ang patuloy na suporta para sa Philippine Coast Guard at mandato nito na tiyakin ang ‘maritime safety at security’ ng bansa.

 

“This Administration reaffirms its support to efforts that will improve your fleet and our air assets as well, to maritime domain awareness, weapons capability, and necessary infrastructure development. This will boost your capacity to respond to any operations,” ang litaniya ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Gun ban violators sa BSKE, pumalo na sa higit 1,600

    TINATAYANG  nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine  National Police (PNP) simula nang ito ay  ipatupad kasabay ng isasagawang  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.     Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maa­yos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.     Lumilitaw sa datos na inilabas ni […]

  • ‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

    Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.   Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]

  • PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines

    UMAASA si  Pangulong Rodrigo Roa  Duterte  na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng […]