Palipaparan sa Bicol region bukas na … NDRRMC naka-alerto sa Bagyong Kristine
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
NAKA-alerto ngayon ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon kay NDRMC Spokesperson at Office of the Civil Defense (OCD) Director Edgar Posadas ang pagsailalim sa red alert status ng ahensiya ay upang masiguro na natututukan ang mga panganganilangan sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Kasalukuyang nasa Philippine Areas of responsibility (PAR) pa ang Bagyo kaya nararapat lamang matutukan ang mga pangangailangan ng mga kababayan natin.
Sa monitoring ng NDRRMC, sumampa na sa 10 ang casualties ng Bagyong Kristine batay sa isinagawang validation.
Nasa mahigit 431,000 pamilya ang apektado ng bagyo mula sa 12 rehiyon kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga ito sa 4,567 evacuation centers.
Nasa pitong rehiyon ang apektado naman ng malawakang pagbaha.
Samantala, kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na bukas na ang ilang paliparan sa Bicol region.
Partikular ang paliparan sa Daraga, Virac, Masbate at Naga at maaari na itong gamitin para sa air transport para sa mga relief goods.
Siniguro naman ni Bautista na may mga CAAP personnel silang naka standby para umasisti kung magkakaroon ng flights sa mga nasabing paliparan.
Ang Bicol region ang lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Iniulat naman ng Philippine Ports Authority na nasa mahigit 7,000 pa na mga pasahero ang stranded dahil sa bagyo. (Daris Jose)
-
Team Asia kampeon sa Reyes Cup
SA HULING araw ng bakbakan, tinalo ni Aloysius Yapp ng Singapore si Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa pamamagitan ng 5-1 desisyon. “I’m proud of the whol e team. At the start of the week, I was very nervous and made a lot of mistakes, but my teammates supported me and lifted up my […]
-
VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE
KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan […]
-
Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021. Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List. Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green […]