• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs, nahihirapan na makapaghatid ng food aid sa mga biktima ni “Kristine” — DSWD

NAHIHIRAPAN ang ilang local government units (LGUs) na makapaghatid at mamahagi ng food assistance sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

Sa katunayan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na 50,000 family food packs lamang mula sa 170,000 packs na nakatago sa iba’t ibang bodega sa Bicol Region ang nakuha ng LGUs.

 

“Actually, marami silang request pero nag-aantay kami na kunin nila at pick-up-in nila,” ang sinabi pa ni Gatchalian sa isang panayam.

 

“Katulad kahapon, kausap ko si Governor, acting governor ng Albay, si Vice Governor Glenda. Sabi nga niya, onti-onti nang bumababa ‘yung tubig sa Albay pero kailangan nila ng kaunting panahon bago nila makuha ‘yung mga goods sa aming mga warehouse,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

 

Sa Camarines Sur, sinabi ni Gatchalian na dahan-dahang nakukuha ng mga awtoridad ang food packs, subalit nakapokus talaga ang mga ito sa pagsalba sa mga residente na apektado ng bagyo.

 

Ang signal No.3 ay nakataas sa mahigit sa 16 na lugar sa Luzon habang kumikilos si Kristine patungong Cordillera Administrative Region.

 

Nakapagtala naman ang mga awtoridad ng 20 kataong nasawi sa Bicol Region.

 

Ani Gatchalian, may karagdagang 50,000 food packs ang patungo na sa Bicol Region.

 

“Patuloy kaming nakikipagugnayan sa mga LGUs na kunin na ‘yung mga goods. Ang instruction ng Pangulo naman sa akin kahapon siguraduhin na hindi kami maubusan doon. So habang nag di-distribute tayo ngayon sa mga LGUs, meron na tayong mga goods na papunta ulit ng Bicol,” ang sinabi pa ng Kalihim.

 

Samantala, sinabi ni Gatchalian na ang LGUs ang responsable sa paghahatid ng food packs sa mga pamilya at hindi ang DSWD.

 

“Ang DSWD, ang role namin is suportahan ang ating mga LGUs kung sakaling kulangin sila ng mga goods. So tayo, nasa warehouse natin ‘yung mga good bago pa tumaman… ‘yung epekto ni Bagyong Kristine,” aniya pa rin.

 

Samantala dahil sa bagyong Kristine ay muling sinuspinde ng gobyerno ang pasok sa trabaho sa tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa buong Luzon. (Daris Jose)

 

Other News
  • Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas

    Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig limang kilong bigas sa bawat pamilyang Navoteños sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at  Congressman Toby Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

  • Abalos, umapela sa publiko na huwag magpa-third dose ng bakuna laban sa Covid-19

    UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.   Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng covid 19 vaccine na tinatawag na “booster”.   Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad […]

  • MANILA CHIEF INQUEST PROSECUTOR, INAMBUSH PATAY

    PATAY ang Manila Chief Inquest Prosecutors matapos tambangan ng hindi nakikilalang gunman sakay ng isang kulay itim na Sports Utility Vehicle sa Paco Maynila.   Sa inisyal na report ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5, kinilala ang biktima na si Jovencio Senados y Bagares, 62 at taga Blk 53 Lot 19 Villa Palao, Calamba, […]