• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Pres. Duterte, inaming iniutos ang pagpatay sa nanlalabang kriminal

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na noong siya ay mayor sa Davao ay inuutos nitong patayin ang mga kriminal kapag nanlalaban.

 

Aniya, hindi naman maaaring hayaan na ang mga pulis ang mapaslang ng criminal elements.

 

Gayunman, mariin nitong itinanggi ang pagkakaroon ng ‘Davao Death Squad’ (DDS).

 

Giit naman ni former Senator Leila De Lima, may mga ebidensya na nagsasabing totoo ang ‘DDS’.

 

Ang nasabing grupo ang siya umanong responsable sa pamamaslang, alinsunod sa utos ni Duterte.

 

Samantala, ipinagtanggol naman ni dating chief presidential counsel Atty. Salvador Panelo si Duterte.

 

Sinabi nitong hindi illegal ang nangyaring ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon.

 

Aniya, ginawa lang ng dating pangulo ang kanyang trabaho para protektahan ang mga Pilipino laban sa ipinagbabawal na gamot. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Middleman’ sa Percy Lapid killing, namatay sa Bilibid

    PATAY  na ang sinasabing ‘middleman’ at kumontak sa self-confessed gunman na si Joel Escorial at tropa nito upang likidahin ang broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid ng DwBL.     Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na Oktubre 18 pa ng hapon namatay si Crisanto Palana Villamor, na kilala rin bilang ‘Idoy” na […]

  • Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction

    Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James.   Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14.   Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as […]

  • Aplikasyon ng special permits sa pagbiyahe sa Kuwaresma, bukas na – LTFRB

    BUKAS na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa special permits para makabyahe sa kasagsagan ng holidays ngayong taon tulad ng Mahal na Araw, All Saints day, All Souls Day, at Pasko.     Tatanggap ang LTFRB hanggang Marso 13 ng mga aplikasyon para sa special permits sa Mahal na Araw, […]