• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Leon’ , may tsansang maging Super Typhoon

MALAKI ang tsansa na maging isang Super Typhoon ang bagyong Leon sa panahon na ito ay papalapit sa Batanes.

 

Ito ay batay sa weather outlook ng PAGASA kaugnay ng galaw ng naturang bagyo.

 

Ayon sa PAGASA, si Leon ay lalakas habang ito ay daraan sa Philippine Sea at maaabot ang Typhoon Category sa susunod na 24 oras.

 

Kahapon, alas-11 ng umaga, ang bagyong Leon ay isa nang ganap na Severe Tropical Storm at namataan ng PAGASA ang sentro nito sa layong 780 kilometro silangan ng Echague, Isabela taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro bawat oras.

 

Bunga nito, nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa eastern portion ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, northeastern portion ng Catanduanes, eastern portion ng mainland Cagayan, eastern portion ng Isabela, at northeastern portion ng Catanduanes.

 

Si Leon ay inaasahang kikilos pakanluran hilagang kanluran ngayong Martes ng umaga at saka iikot pa hilagang kanluran hanggang sa mag-landfall sa eastern coast ng Taiwan sa huwebes, October 31.

 

Oras na marating ng bagyong Leon ang hilagang silangan papuntang East China Sea ay inaasahang ito ay lalabas na ng PAR Biyernes ng umaga o hapon sa November 1. (Daris Jose)

Other News
  • Ashleigh Barty unang Australian na nagkampeon sa Wimbledon after 41-yrs

    Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.     Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.   […]

  • 9 senador pabor sa extension ng ABS-CBN operation

    SIYAM na senador ang naghain kamakalawa ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.   Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority […]

  • 137M doses ng Covid 19 vaccines para sa taong 2022

    TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa. “Maganda […]