• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Pres. Duterte, personal na dumalaw sa burol ng mga nasawi sa Batangas landslide

PERSONAL na nagtungo sa Talisay, Batangas si dating Pangulong Rody Duterte.

 

 

Dito ay nakiramay siya sa mga pamilya ng mga biktima ng bagyong Kristine na namatay mula sa landslide noong Oktubre 24, 2024 sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.

 

 

Kasama niya ang pangkat mula sa Office of the Vice President’s Special Projects Division at Public Assistance Division para magbigay ng Burial Assistance para sa mga apektadong pamilya.

 

 

Sumali rin siya sa Relief Operations ng OVP Disaster Operation Center sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.

 

 

Si dating Pangulong Duterte kasama ang mga opisyal ng OVP sa pangunguna nina Director for Operations Norman Baloro at G. Eyemard Eje, hepe ng OVP-DOC, ay nag-abot ng burial assistance sa mga pamilya ng mga biktima ng landslide.

 

 

Nakiisa rin si FPRRD sa relief operations ng OVP-DOC sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.

 

 

Mahigit 1,400 pamilya ang nabigyan ng relief bags sa mga nasabing lokalidad sa Batangas. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 16, 2023

  • Mayor Wes, Senator Win, nagbigay ng cash aid sa mga nasunugan sa Valenzuela

    BILANG tulong sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa nangyaring sunog sa Barangay Gen. T. De Leon noong Enero 14, pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian at ng opisina ni Senator WIN Gatchalian ng tulong pinansyal ang mga nasunugan sa Bitik Elementary School.     Ang bawat pamilyang pansamantalang […]

  • Pagdanganan may natanggap P4M gantimpala

    NAWALA sa porma si Bianca Pagdangan nang makahampas lang ng 3-over 73 para sa even 280, upang mapabilang sa four-way tie para sa ninth place na may $84,765 cash prize (P4M) bawat isa at magkapuwesto sa 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas sa darating na Disyembre 10-13.   Sa pagrolyo ito nitong Linggo […]