Dating Bamban Mayor Alice Guo, kinasuhan ng misinterpretation
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
SINAMPAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong material misrepresentation sa Regional Trial Court ng Tarlac si dating Bamban Mayor Alice Guo o Hua Ping Lin Guo.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nilabag ni Guo ang Section 74 ng Omnibus Election Code na may kauganyan sa Section 262 ng parehong code .
Ito ay ang paghahain nito ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong Okt.1,2021 kaugnay sa May 9, 2022 National and Local Elections sa munisipalidad ng Bamban,Tarlac.
Ayon sa Comelec, kusa at labag sa batas na gumawa ng material misrepresentation sa paghahain ng kanyang kandidatura sa pagiging Mayor ng Bamban,Tarlac si Guo at ang pagdedeklara na siya ay karapat-dapat para sa posisyon na hinahangad na mahalal sa kabila na siya ay Chinese citizen at residente ng Fujian, China.
Si Guo ay sentro ngayon ng mga pagdinig sa Senado matapos ito maaresto sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa sinalakay na POGO hub sa Tarlac. GENE ADSUARA
-
Lakers coach Frank Vogel sinibak sa puwesto – report
SINIBAK na sa puwesto ang head coach ng Los Angeles Lakers na si Frank Vogel. Ito ay matapos ang bigong pagpasok sa NBA playoffs ng Lakers ngayong season at nagtapos ngayong season na mayroong 33 panalo at 49 na talo. Naging coach ng Lakers si Vogel noong 2019 kapalit ng tinanggal […]
-
PBA bubble amenities kumpleto sa libangan
TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9. “Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang […]
-
Cardinal Tagle, nagmisa na muli matapos gumaling sa COVID: ‘Let’s be appreciative’
HINIKAYAT ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Pilipino na huwag sayangin ang pagmamahal at mga regalo ng Diyos sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa COVID (Coronavirus Disease) pandemic. Pahayag ito ng 63-anyos na kardinal sa kanyang unang pagsasagawa ng misa, halos dalawang linggo matapos makuha ang negative result sa COVID-19. […]