• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cardinal Tagle, nagmisa na muli matapos gumaling sa COVID: ‘Let’s be appreciative’

HINIKAYAT ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Pilipino na huwag sayangin ang pagmamahal at mga regalo ng Diyos sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa COVID (Coronavirus Disease) pandemic.

 

Pahayag ito ng 63-anyos na kardinal sa kanyang unang pagsasagawa ng misa, halos dalawang linggo matapos makuha ang negative result sa COVID-19.

 

Ayon kay Cardinal Tagle, sana ay magmuni-muni ang mga tao sa uri ng ating pamumuhay na baka marami na tayong sinasayang gayong marami ang nawalan ng trabaho.

 

“Let us appreciate what we have. And if what we have is more than what we need, share with others,” bahagi ng Homily nito sa Manila Cathedral.

 

Binigyang-diin pa ng kanyang kabunyian na hindi pabigat ang mga may edad at matatanda na, gayundin ang mga babaeng nabubuntis kahit hindi pa handa.

 

Una nang inihayag ni Tagle na kahit daw gumaling na siya mula sa deadly virus, nandyan pa rin ang pakiramdam niya na baka delikado pa siya sa ibang makakasalamuha.

 

Kilala bilang isa sa malapit kay Pope Francis, namumuno siya bilang “prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples” sa Vatican.

 

Kung maalala, miyembro rin siya ng Congregation for Catholic Education at Pontifical Council for Interreligious Dialogue sa Roma.

 

Nitong Setyembre 10 nang dumating sa bansa si Tagle para sana sa family visit pero bigla na lamang itong naging international head- lines nang magpositibo siya sa COVID-19.

 

Gayunman, nanatili siyang asymptomatic sa loob ng dalawang linggo sa kanyang self-quarantine.

Other News
  • Ads January 23, 2021

  • Duque at Lorenzana naka-quarantine matapos makasalamuha ang mga COVID-19 positive

    Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19.     Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31.     Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 […]

  • Pacquiao bilib kay Marcial

    Kabilang si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga nag-celebrate matapos umabante sa semifinals si Eumir Felix Marcial sa Tokyo Olympics.     Naitarak ni Marcial ang impresibong first-round knockout win kay Arman Darchinyan ng Armenia sa men’s middleweight quarterfinals kahapon sa Kokugikan Arena.     Ang panalo ang nagbigay katiyakan kay Marcial ng awtomatikong […]