• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De la Hoya hindi aatrasan si Canelo

Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.

 

Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.

 

Hindi ko aatrasan ang pagkakataon na makasagupa sa aking planong pagbabalik sa ring si Alvarez,” ani De la Hoya.
Matatandaang huling lumaban si De la Hoya noong 2008 nang talunin ito ni eight division world champion Manny Pacquiao via technical knockout sa eight round na nagresulta sa kanyang pagreretiro.

 

Naengganyo umanong bumalik sa ring si De la Hoya matapos makita ang magandang kondisyon ni dating heavyweight champion Mike Tyson na lalabang muli sa isang exhibition fight sa edad na 54.

 

“Pakiramdam ko kaya  ko pang lumaban matapos mamahinga ng 12 years,” ani De la Hoya.

Other News
  • WBA nag-sorry, ‘Champion for Life’ award igagawad kay Pacquiao

    Humingi na nang paumanhin ang World Boxing Association (WBA) kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos na bawiin ang kaniyang boxing belt dahil sa hindi pagiging aktibo sa boxing.     Sinabi ni WBA President Gilbert Mendoz na nagkaroon lamang sila ng kalituhan tungkol sa “super” WBA welterweight title.     Kasabay din nito ay […]

  • Durant hindi makakapaglaro ng 2 linggo dahil sa injury

    Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Brooklyn Nets star Kevin Durant.   Ayon sa koponan na nagtamo si Durant ng injury sa kaniyang kanang tuhod.   Natamo nito ang injury ng magkabanggaan sila ni Jimmy Butler ng Miami Heat sa third quarter.   Lumabas sa scan nitong Lunes na nagtamo siya ng ligament sprain. […]

  • Animam iba’t iba ang naramdaman

    NAGSADYA na nitong Huwebes si Gilas Pilipinas women member Jack Danielle Animam sa Taiwan para maglarong basketbol bilang reinforcement.   Nitong Miyerkoles ng gabi napasakamay ng 21-year-old, 6- foot-5 center ang kanyang Taiwanese visa para maging import sa Shih Hsin University na lumalahok sa Taiwan’s Univer- sity Basketball Association.   “Mixed emotions — masaya, excited, […]