CHR, nag-deploy ng Quick Response Operation para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay sa election aspirants at local officials
- Published on October 31, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtaas ng karahasan laban sa mga election aspirant at local officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, nag-deploy na ang komisyon ng Quick response Operation team para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay at para matukoy kung ang mga ito ay politically motivated.
Sa isang pahayag ngayong Martes, sinabi ng komisyon na sa kabila ng kamakailang pagtatapos ng paghahain ng certificate of candidacy, nakapagtala na ng mga insidente ng karahasan at pag-atake.
Isa na dito ang kaso nina Agutaya, Palawan municipal election officer Emmanuel Gacott at kaniyang maybahay na kapwa natagpuang patay sa kanilang bahay sa Barangy Cambian noong Setyembre 25. Tinitignan ngayon ng mga awtoridad ang robbery bilang posibleng motibo sa krimen subalit hindi isinasantabi ang posibilidad na maaaring naging isa sa motibo ay ang posisyon ni Gacott bilang isang election officer.
Tinukoy din ng komisyon ang pagkasawi ni San Nicolas, Ilocos Norte chairperson Francisco Bagay noong Setyembre din. Binaril ang biktima habang nasa kaniyang garahe ng hindi pa natutukoy na armadong kalalakihan.
Sa Ilocos Sur naman, binaril-patay sina Barangay Lapting kagawad Bello Joseph Padua Valorozo at kaniyang anak na lalaki ng riding in tandem sa bayan ng San Juan.
Gayundin ang bayolenteng insidente na nangyari sa pagitan ng mga residente at grupo ng isang tumatakbo sa pagka-Bise Alkalde sa Maguindanao del Sur.
Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng COC filing sa Shariff Aguak noong Oktubre 8 na ikinasawi ng isang Barangay Peacekeeping Action Team member at 6 pang indibidwal ang nasugatan. (Daris Jose)
-
Milyon-milyon na ang views ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: Kinakikiligang tambalan nina WILBERT at YUKII, patuloy na tinatangkilik
PITONG linggo na ang nakakaraan mula noong lumabas ang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile mula sa Puregold Channel, at mula noon, nakakuha na ng milyon-milyong views ang serye–sa mga teaser at episode nito. Lumawak na rin ang mga tagapagtangkilik ng kapana-panabik na tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi). Malinaw na malinaw […]
-
Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon
PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit. Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa […]
-
HEART, posibleng may photoshoot sa Vogue at muling makikita sa Times Square
HINIHINTAY na ng mga viewers ng GMA romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang changes sa mga characters, especially si Louie Asuncion (Alden). Nang magsimula kasi ang story nila sa bagong chapter sa buhay nilang tatlo, sina Lia Libradilla (Jasmine) at Brian Libradilla (Tom) na galing ng […]