• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eugene Torre eere sa Usapang Sports via Zoom

Panauhing pandangal sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty. Cliburn Orbe sa muling pagsiklab bukas (Thursday) ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sport Forum via Zoom.

 

Sa kasalukuyan, si Torre ang nagsisilbing head coach ng 12-player Philippine team na sasabak sa unang FIDE Online Chess Olympiad na nakatakda sa July 22 hanggang Aug. 30.

 

Tatalakayin ng 68-year-old chess legend ang tsansa ng mga Pinoy sa prestihiyosong kompetisyon na inorganisa ng FIDE bilang paraan para labanan ang nakamamatay na coronavirus  pandemic.

 

Samantala, iuulat naman ni Orbe ang tungkol sa World Chess Day celebrations at programa ng NCFP sa paglinang ng maraming bata at talentadong manlalaro.

 

Bukod sa dalawa, panauhin din sa 10 a.m. public service sports  program na inisponsoran ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) si University of the East at Tanduay-sponsored Batangas Team sa MPBL coach Jean Alabanza.

 

Inaanyayahan ni TOPS President Ed Andaya ang mga opisyal, miyembro at kaibigan sa sports community na lumahok sa forum.

Other News
  • “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” EARNS 97% FRESH RATING ON ROTTEN TOMATOES, FINAL TRAILER RELEASED

    This is bonkers, yo!        The first reviews for Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem are in, and they’re pretty gnarly… in the most awesome way possible. The film, directed by Jeff Rowe (Oscar-nominated The Mitchells vs. the Machines) and written by a team that includes Seth Rogen and Evan Goldberg, currently has a 97% Fresh […]

  • Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products

    TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural.     Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.     “We share the President’s anger and frustration with smuggling, […]

  • 5 sabungero arestado sa tupada

    LIMANG indibidwal ang arestado matapos maaktuhan ng pulisya na nagsasabong sa isang ilegal na tupada sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Fernando Ortega, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ng isang text message mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) tactical operation command hinggil […]