• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 timbog sa baril, shabu, marijuana oil at kush sa Valenzuela drug bust

LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang sangkot drug personalities matapos makuhanan ng baril at mahigit P.2 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Deputy Chief P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jepoy”, 45, ng Bagong Barrio, Caloocan at alyas “John”, 39, Lazada motorcycle rider ng Brgy. Marulas, Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Capt. Pobadora, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbibenta ni alyas Jepoy ng ilegal na droga kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Pobadora, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station (SS3) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Robin Santos ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos umanong magsabwatan na bintahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Elysian St., Brgy. Marulas dakong alas-3:20 ng madaling araw.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 22.18 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,824, pitong pirasong disposable vape na naglalaman ng hinihinalang marijuana oil na nagkakahalaga ng P49,000, nasa 6.8 grams ng umano’y kush hybrid marijuana na nagkakahalaga ng P9,420, at buy bust money habang ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala ay nakuha kay ‘Jepoy’.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive law on Firearms and Ammunation ang kakaharapin pa ni alyas Jepoy.

 

 

Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang pinagkukunan ng mga ito ng naturang ilegal ba droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Walang report ng destab plot sa hanay ng mga aktibong pulis laban sa kanya

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang report ukol sa mga aktibong police officials ang kasama sa nagpa-planong patalsikin siya sa puwesto.     Nauna rito, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na may ilang retirado at aktibong high-ranking officials mula sa Philippine National Police (PNP) ang nangungumbinsi umano sa kanilang hanay para […]

  • CLIPPERS OPISYAL NANG KINUMPIRMA ANG PAGKUHA KAY LUE BILANG HEAD COACH

    OPISYAL na ring inanunsiyo ng Los Angeles Clippers ang pagkuha nila kay Tyronn Lue bilang bagong head coach ng koponan.   Una nang lumutang ang naturang isyu noon pang nakaraang linggo.   Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para ihara.   Pero ang team ay nagtakda ng schedule sa Huwebes para iharap […]

  • Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader

    Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).   Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct […]