Rebulto ni Wade ng Miami Heat umani ng mga reaksyon
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
UMANI ng magkakahalong reaksyon mula sa basketball fans ang ginawang rebolto para kay NBA star Dwayne Wade.
Sa isang ginawang pagkilala sa Miami Heat star ay ipinakita dito ang kaniyang rebolto sa labas ng Kaseya Center.
Siya lamang ang unang manlalaro sa franchise ng Heat na nabigyan ng sariling rebolto.
Ang nasabing rebolto ay hango sa iconic na galaw niya ng makuha ang buzzer-beater at talunin ang Chicago Bulls 130-127 sa overtime noong Marso 9, 2009.
Nagwagi si Wade ng tatlong NBA titles sa Heat noong 2006, 2012 at 2013 nakuha rin niya ang 2006 Finals Most Valuable Player at naging 13-time All-Star player.
Ilan sa mga nakapuna ay kahawig pa ng Hollywood actor na si Laurence Fishburne habang ang ilan naman ay mas itinuturing pa nila itong isang Asyano.
-
Para manahimik ang mga Marites na ayaw siyang tantanan… AJ, dapat nang magpakita ng proof na ‘di siya nabuntis ni ALJUR
AYAW na ba ni KC Concepcion sa showbiz? Mas gusto na lang ba niya ang gigs niya abroad? Hindi kasi napapanood si KC sa anumang local show kaya nagtatanong ang kanyang mga followers bakit di active ang dalaga sa local showbiz. Isa pang tanong nila ay kung pinababayaan ba ni KC ang kanyang […]
-
Salary hike ng mga medical workers, dapat idaan sa SSL – Palasyo
ISANG malaking pagbabago sa klasipikasyon ng pasuweldo sa mga Nurse at ng iba pang frontliners ang nakikitang paraan ng Malakanyang upang ganap na maitaas ang pasahod sa kanila. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dapat idaan sa Salary Standardization Law ang lahat at mula dito ay maitaas ang Salary grade ng mga nagtatrabaho sa […]
-
DSWD, pinagtibay ang suporta sa mas pinalakas na Asean regional cooperation
PINAGTIBAY ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang commitment ng Pilipinas na suportahan ang development policies ng Association of Southeast Asian Nations (Asean), tumutugon sa kakailanganing pagbabago para sa marginalized at vulnerable sectors sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Sa isang kalatas, sinabi ng DSWD na […]