• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang forfeiture ng illegally acquired foreign-owned real estate, inihain

ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang magbibigay otorisasyon sa gobyerno na kumpiskahin ang mga unlawfully acquired real estate properties ng foreign nationals, partikular ang mga sangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

 

 

Ang House Bill (HB) No. 11043, o “Civil Forfeiture Act,” ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez at Quad Committee chairs Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr. at Joseph Stephen Paduano.

 

 

Kabilang din sa mga awtor ay sina Quad Comm senior vice chair Romeo Acop at Representatives Johnny Ty Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jefferson Khonghun at Jonathan Keith Flores.

 

 

Una nito, naghain din ang mga lider ng Quad Comm at iba pang mambabatas ng panukalang mag-i -institutionalize sa nationwide POGO ban, kasunod na rin sa direktiba ni President Marcos upang maprotektahan ang publiko at national security mula sa criminal activities na naaugnay sa POGOs.

 

 

Sa panukalang Anti-Offshore Gaming Operations Act, isinusulong nito ang pag-ban sa lahat ng offshore gaming sa bansa at patawan ng parusa ang mga paglabag.

 

Noong Oct. 21, isinumite naman ng Quad Comm ang ilang importanteng dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa potential na legal actions laban sa mga Chinese nationals na naakusahan na gumamit ng pekeng Filipino citizenship upang makabili at makapagmay-ari ng lupa at businesses sa Pilipinas.

 

 

Ang House mega-panel, ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights at Public Accounts.

 

 

Layon ng panukalang Civil Forfeiture Act na mapalakas ang constitutional ban sa foreign land ownership, na nakasaad sa 1935 Constitution.

 

 

Target nito ang mga indibidwal na lumalabag sa batas gamit ang pekeng dokumento. (Vina de Guzman)

Other News
  • World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban

    IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager.   “The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson.   […]

  • 3 NAIA employees sibak sa ‘tanim-bala’

    SINIBAK na sa trabaho ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong empleyado ng Office of Transportation Security (OTS) na sangkot sa insidente ng umano’y ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mag-iinang patungo ng Vietnam. Mismong si DOTr Secretary Vince Dizon ang nag-utos ng terminasyon ng tatlong empleyado gayundin ang  pagsasampa ng kaso laban sa kanila. […]

  • Yulo swak sa World Championships sa UK

    MAGLALARO si Pinoy gymnastics sensation Caloy Yulo para sa kanyang ikatlong World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Liverpool, England.     Ito ay matapos magdagdag si Yulo ng dalawa pang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.     “Qualified for world championship 2022 in Liverpool UK!!,” ani Japanese […]