• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SoKor, aprubado na ang halos P30-M na tulong sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa PH

Aprubado na ng South Korea ang $500,000 o katumbas ng mahigit P29 million na tulong para sa mga biktima ng magkakasunod na bagyo sa Pilipinas.

 

Ang naturang tulong ay idadaan sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP).

 

 

Ayon sa Korean Embassy, magagamit ang naturang pondo para sa recovery o tuluyang pagbangon ng mga residente sa mga lugar na labis na tinamaan ng magkakasunod na bagyo.

 

 

Pangunahin sa mga paglalaanan nito ay ang relief distribution sa mga apektadong lugar.

 

 

Maaalalang sa loob lamang ng ilang linggo ay tatlong magkakasunod na bagyo ang nanalasa sa bansa kung saan milyun-milyong residente ang naapektuhan.

Other News
  • 50K pupil sa Grade 1-3 sa NCR, hirap magbasa- DepEd

    AABOT sa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa, base sa isang assessment na isinagawa ng Department of Education sa rehiyon.     Base sa survey na iprinisinta kahapon ng DepEd-NCR, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy […]

  • ADB bibigyan ng pondo ang 4 na DOTr projects

    ANG Asian Development Bank (ADB) ay nakatalagang aprubahan ang funding para sa apat (4) na priority projects ng Department of Transportation (DOTr).   Ayon sa Manila-based na multi-lateral bank, nakahanay na para aprubahan ang EDSA Greenways Project, South Commuter Railway Project, Davao Bus Project at ang MRT 4 Line mula Ortigas papuntang Rizal province.   […]

  • Valenzuela police, magkakaroon na ng mga bagong electric police vehicles

    MAGKAKAROON na ng mga bagong electric police vehicles ang Valenzuela City Police Station (VCPS), kasunod ng isinagawang ceremonial signing para sa partnership agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at ACMobility upang ilunsad ang “Go Green Valenzuela”.       Inihayag ng lungsod na ang 41 electric police cars na gagamitin ng VCPS ay […]