• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng motorcycle shields simula na sa Hulyo 20

Simula sa Lunes, Hulyo 20 ay istrikto nang ipa­tutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Matatandaang noong Hulyo 10 ay pinayagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa motorsiklo ngunit dapat na may physical barriers pa rin sila upang malimitahan ang virus transmission.

 

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na siya ring vice chairman ng National Task Force against the pandemic (NTF), sa ngayon ay sinisita pa lamang at binabalaan ang mga magkakaangkas na wala pa ring barrier sa kanilang motorsiklo.

 

Gayunman, simula aniya sa Lunes ay uumpisahan na rin ng Joint Task Force (JTF)-SHIELD ang panghuhuli sa mga motorcycle riders na patuloy na lalabag at hindi pa rin gagamit ng barriers kung may angkas ito.

 

Sa ngayon aniya ay may dalawang motorcycle shields na aprubado na ng NTF COVID-19 kabilang ang dinisenyo ni Bohol Gov. Arthur Yap at ang iminungkahi naman ng Angkas.

 

Tiniyak naman ni Año na ang dalawang naturang disenyo ay pinag-aralan at kapwa ligtas na gamitin. (Daris Jose)

Other News
  • Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

    SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation.  Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan. Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I […]

  • TAUHAN NG MTPB 2 PA, TIMBOG SA P806-K HALAGA NG DROGA

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.8 milyon halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.   Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng […]

  • Bukod sa pagiging isa sa leading man ni Kylie: JAK, napiling gumanap sa true story ni Billiard Champ JOHANN

    SURPRISED and thankful si Kapuso actor Jak Roberto sa magkasunod na project na ginawa niya sa GMA Network.     Sa Monday, May 30, ang world premiere ng sports drama series na Bolera nila nina Kylie Padilla at Rayver Cruz, pero ngayong gabi, mauunang mapanood si Jak sa Magpakailanman ni Mel Tiangco, sa episode na […]