• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang ‘house-to-house’ search sa COVID-19 patients – Palasyo

Walang magaganap na house-to-house para i-test ang mga mamamayan at matukoy kung sino ang positibo sa COVID-19.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gagawin lamang ng gobyerno ay ililipat sa mga quarantine facilities ng gobyerno ang mga sumasailalim sa home quarantine na puwede pa ring makasa-lamuha ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

 

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Roque na ang mga may sintomas o may COVID-19 ay dapat aniyang i-report ng kanilang mga kamag-anak o barangay o mismong ng pasyente.

 

Mas maaalagaan din sa mga quarantine facilities ang mga positibo sa COVID-19.

 

Idinagdag nito na may kapangyarihan ang gobyerno na ilipat sa mga quarantine facilities ang mga pasyente upang mapangalagaan ang kalusugan ng iba na hindi pa nahahawa.

 

Sa Laging Handa press briefing noong Mar­tes, sinabi ni Roque na nili­naw sa meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disea­ses na ang pupuwede lamang mag-home quarantine ay ‘yong may mga sari-ling kuwarto, may sariling toilet at walang kasamang matanda, may sakit o buntis.

 

Ang mga walang sa-riling kuwarto at sariling banyo pero positibo sa COViD-19 kahit pa asym­p­tomatic ang susundiin aniya ng Oplan Kalinga. (Gene Adsuara)

Other News
  • Barangay captain niratrat ng riding-in-tandem sa Malabon, todas

    NASAWI ang isang 69-anyos na barangay captain matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kahapon ng umaga.       Bandang alas-4:30 ng hapon nang malagutan ng hininga habang ginagamot sa MCU hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan at kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si […]

  • Publiko dapat na mag-ingat sa mga mamantikang pagkain ngayong holidays – DOH

    Bukod sa banta ng coronavirus disease (COVID-19), pinaalalahanan din ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na madalas lumalabas kapag year-end holiday.   “Marami tayong sakit katulad ng hypertension, hypercholesterolemia, emphysema,” ani Health Sec. Francisco Duque III.   Paliwanag ng kalihim, nakukuha ang mga naturang sakit kapag walang ang indibidwal ay […]

  • YASSI, umaming first time maka-experience kaya nagulat sa ‘butt exposure’ ni JC, makadurog-puso ang pagganap nila sa ‘More Than Blue’

    AMINADO si Yassi Pressman na nagulat siya sa butt exposure ng leading man niya na si JC Santos sa More Than Blue na paparating na sa Vivamax ngayong November 19, 2021.     Kuwento ni Yassi sa digital mediacon first time daw niyang maka-experience ng ganun sa co-actor kaya, “it’s quite shocking but JC was […]