• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Publiko dapat na mag-ingat sa mga mamantikang pagkain ngayong holidays – DOH

Bukod sa banta ng coronavirus disease (COVID-19), pinaalalahanan din ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na madalas lumalabas kapag year-end holiday.

 

“Marami tayong sakit katulad ng hypertension, hypercholesterolemia, emphysema,” ani Health Sec. Francisco Duque III.

 

Paliwanag ng kalihim, nakukuha ang mga naturang sakit kapag walang ang indibidwal ay kontrol sa pagkain ng mamantikang lutuin at labis na paninigarilyo.

 

“Yung mga nagsasabi na, minsan-minsan lang ito, hindi totoo ‘yan.”

 

“Parang mga kalawang yan na babara sa inyong daluyan ng dugo.”

 

Ayon kay Duque, ang labis na pagkain ng mga matatab at mamantikang pagkain ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa utak, puso, at kidney.

 

“Dapat mag-iingat tayo, yung prevention sa COVID-19… an ounce of prevention is always better than a pound of cure.”

Una nang inalerto ng Philippine General Hospital ang mga kapwa pagamutan ukol sa inaasahan ding pag-dagsa ng non-COVID-19 patients pagkatapos ng holiday season.

Nitong araw, umabot na sa 464,004 ang total coronavirus cases sa Pilipinas.

Other News
  • Unang international sports event na FIBA Asia qualifiers, hudyat nang pagbubukas ng PH – IATF

    Ipinagmalaki ngayon ng IATF ang magaganap na kauna-unahang international sports event sa Pilipinas lalo na ang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa kabila na malaking problema pa rin ang pagharap sa COVID-19 crisis.     Ayon kay testing czar Vince Dizon, ang FIBA Asia Cup Qualifiers na mangyayari sa Clark, Pampanga ay nagpapakita lamang na […]

  • Folayang, talo na naman hindi umubra sa Chinese fighter

    Nabigo si Eduard “Landslide” Folayang sa kamay ng Chinese fighter na si Zhang “The Warrior” Lipeng sa pamamagitan ng unanimous decision sa ONE: BattleGround II na ginanap sa Singapore.     Sa unang round pa lamang ay umarangkada ang Chinese fighter kung saan na-trap pa nito si Folayang sa pamamagitan ng leg scissor bukod pa […]

  • Dingdong, happy and honored na muling maging brand ambassador

    “HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” pahayag ni Dingdong Dantes na pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaang pain reliever brand sa Pilipinas.   Ang brand manager ng Medicol […]