Oplan sita tinakasan, rider na walang helmet buking sa baril
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa selda ang isang rider nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ dahil walang suot na helmet sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at Resistance and Disobedience to a Person in Authority ang naarestong suspek na si alyas “Jhon”, 21, ng Bagong Barrio, Caloocan City.
Sa report ni PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS1) sa kahabaan ng Lanzones Road, Brgy. Potrero nang parahin nila ang suspek na sakay ng motorsiklo dahil walang suot na helmet dakong alas-9:15 ng gabi.
Sa halip na huminto ay pinaharurot umano ng suspek ang minamanehong motorsiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang makorner sa Orange Road at maaresto.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang cal. 9mm revolver na kargado ng limang bala at nang hanapan siya ng papeles hinggil sa ligaledad nito ay wala siyang naipakita kaya binitbit siya ng pulisya. (Richard Mesa)
-
CELEBRATE NATIONAL PINK DAY WITH “BARBIE” ON JUNE 23
Get ready to see PINK! Barbie has a special surprise for National Pink Day on June 23. In celebration of this day, Warner Bros. is unveiling something pink in the following malls across Metro Manila – SM North EDSA, Trinoma, Robinsons Magnolia, SM Megamall, Uptown Mall and SM Mall of Asia, along with […]
-
CHINESE NATIONAL, BINARIL SA LOOB NG ELEVATOR, PATAY
NAGSASAGAWA ngayon ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) sa suspek na bumaril at pumatay sa isang 50-anyos na negosyanteng Chinese national sa loob ng elevator ng isang gusali sa Binondo, Manila kamakalawa ng hapon Namatay noon din ang biktima na si Wen Dun Chen, 50, negosyante at nakatira sa Mandarin Square, […]
-
PAALALA SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO
PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish . Papayagan naman ang pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod […]