• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Flattening of the curve’ sa COVID-19 naabot na – Duque

Naabot na ng Pilipinas ang tinatawag na ‘flattening of the curve’ ng mga kaso ng COVID-19 mula noong Abril pa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

“We have successfully flattened the curve since April,” ayon kay Duque sa isang online press conference kahapon.

 

Iginiit niya na ang kaniyang kon­klusyon ay base sa mas mahabang pagdoble ng kaso ng COVID-19 at ng bilang ng mga nasasawi. Mula sa 2.5 araw bago magdoble ang bilang ng mga kaso, nasa 8-12 araw na umano ito ngayon bago magdoble.

 

Dulot umano ito ng malaking ibinuti ng programa at pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 tulad ng mga quarantine protocols at pagpapalakas ng kapabilidad ng health system.

 

Sa Metro Manila, may average na 8.89 araw bago magdoble ang mga kaso habang 8.25 araw naman sa Cebu City.  Sa buong bansa, may average na 8.18 araw bago magdoble umano ang mga kaso.

 

Ngunit inamin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mataas ang average na kada araw ng COVID-19 na 766 ngayong Hulyo kumpara noong Hunyo. Dulot umano ito ng pagtaas sa mga kaso sa mga binabantayang lugar at clustering o pagkakakumpol-kumpol nito sa mga komunidad.

Other News
  • Manager na si Vice, tahimik at wala pang pasabog: AWRA, maraming nakiki-simpatiya at nanawagan ng hustisya

    SA ngayon, nakukuha ni Awra Briguela ang majority na simpatiya ng mga kaibigan niyang artista, influencers na nagpo-post sa kani-kanilang mga social media accounts na “Justice for Awra.”       Ilan sa mga artista ang talagang nagpaparating ng buo nilang suporta kay Awra na mabuti talaga itong kaibigan at hindi nito deserve ang nangyayari […]

  • Tigilan n’yo si Kai! — Kobe Paras

    Dumepensa si University of the Philippines (UP) standout Kobe Paras sa mga bashers ni Kai Sotto na bumalik na sa Amerika para makasama ang Ignite sa NBA G League.     Kaliwa’t kanan ang batikos sa kampo ni Sotto dahil sa umano’y maling mga desisyon nito patungkol sa basketball career ng 18-anyos na player.   […]

  • FDCP Sets To Screen 3 Cannes Films in the QCinema International Film Festival,

    IN line with its goal to bring world cinema to the Philippines, the Film Development Council of the Philippines (FDCP) is set to screen Cannes Film Festival official selection titles in the QCinema International Film Festival from November 18 to 25.     Fresh from this year’s Cannes Film Festival, Return to Seoul by Davy […]