NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan.
Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan ang mga estudiyante at isasailalim sila sa RT-PCR test bago papasukin at kung lalabas, panibagong test pagbalik.
Sa mga paaralan naman sa elementarya at sekondarya, kailangang magsagawa muna ng inspeksyon at kailangang alisin ang mga playground kung saan hindi makokontrol ang pagkukumpulan ng mga bata.
Kailangan din daw walang canteen na parang buffet style dahil dito posibleng magkakahawaan ng virus lalo walang face mask pag kumakain at magkakaharap pa.
Idinagdag pa ni Sec. Galvez na dapat din magkaroon ng re-engineering sa mga paaralan para sa isang entry gate at isang hiwalay na exit gate para hindi magkakasalubungan ang mga bata.
-
2 laborer arestado sa P56-K shabu
DALAWANG laborer ang arestado matapos makuhanan ng nasa P56, 540 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police Chief Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Ronaldo Jacinto, 43 ng Blk 27, Lot 70, Phase 2, Area 1 Brgy. Nbbs, Navotas City […]
-
PNP nag-inspeksiyon na sa National Museum
SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa loob at labas ng National Museum bilang bahagi ng pagbibigay ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Hunyo 30. Pinangunahan ni PNP Director for Operations MGen. Valeriano De Leon ang inspeksiyon alinsunod sa kautusan ni OIC-PNP PGen. […]
-
Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles
Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament. Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy. Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria […]