• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cayetano tiniyak kay Duterte aagahan ang approval sa budget; nag-sorry sa idinulot na ‘anxiety’

TINIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa taongbayan na sa kabila ng ingay sa girian sa speakership post sa Kamara ay aaprubahan nila “on time” ang 2021 proposed P4.5-trillion national budget.

 

Sinabi ito ni Cayetano matapos na magbanta si Pangulong Duterte sa Kamara na ayusin ang panukalang pondo para sa susunod na taon dahil kung hindi siya na mismo ang kikilos para gawin ito.

 

Bukas din aniya si Cayetano sa apela ng Pangulo na ihinto na ang pamumulitika dahil inilalagay lamang nito sa peligro ang kapakanan ng publiko lalo na ngayon sa gitna ng pandemya.

 

Kasabay nito, muling humingi nang paumanhin si Cayetano sa Pangulo at sa sambayanang Pilipino dahil sa “anxiety” na kanilang idinulot sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

 

Sinabi ni Cayetano na sa Nobyembre 5 ay isusumite na nila sa Senado ang printed copy ng 2021 General Appropriations Bill (GAB) upang sa gayon ay maipagpatuloy na rin ng mataas na kapulungan ang kanilang mga pagdinig.

 

Ito ay isusumite ng mas maaga bago ang formal transmittal ng GAB sa Nobyembre 16 pagkatapos nilang mapagbotohan ito sa ikatlo at huling pagbasa.

 

Kasabay nito, ipinapangako ni Cayetano kay Pangulong Duterte na lahat ng hakbang na kanilang ginawa patungkol sa budget ay naayon sa itinatakda ng Saligang Batas sapagkat hindi aniya nila maaring isakripisyo ang ligalidad nito lalo na ngayong may pandemya.

 

Ang pondong kanilang tinatalakay ay natitiyak din niya na tutugon sa epekto ng public health crisis at para sa hinaharap ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG

    Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.     Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari […]

  • Cultural fashion show sa Caloocan, pinangunahan ni first Lady Malapitan

    ISINAGAWA ng Caloocan Cultural Affairs and Tourism Council (CATC) sa pangunguna ni Caloocan First Lady at CATC Chairperson Audrey Malapitan ang ikalawang cultural fashion show, Runway Caloocan 2024, kasabay ng pagdiriwang ng Tourism Month kung saan limang sumisikat na fashion icons ang naglaban-laban para sa titulo ng nangungunang local designer.     Ang event ay […]

  • Tugon sa quarantine requirement: Team PH maagang tutulak sa Tokyo

    MAAGANG tutulak sa Tok-yo, Japan ang Team Philippines para sumailalim sa quarantine period at health check requirements na kailangan bago sumalang sa 2020 Olympic Games na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.   Ito ang inihayag ni chef de mission Nonong Araneta kahapon kung saan plano nitong ipadala ang pambansang delegasyon dalawang linggo bago […]