Bulacan, pasisinayaan ang kauna-unahang sariling molecular lab building
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang isang buwang konstruksyon upang mabilisang makatugon sa pandemya, pasisinayaan na ang sariling Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory Building ng lalawigan sa Bulacan Medical Center Compound kanina.
“Inaasahang mapapalawak ng molecular lab facility ang kapasidad ng lalawigan na magsagawa ng mga test na mas mabilis at may tamang mga resulta. Ito ay mahalagang bahagi ng pagbawi at resiliency plan upang makatulong makapagbigay daan sa “new normal,” ani Fernando.
Sasamahan sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ni Dr. Emily V. Paulino, Development Management Officer V ng Department of Health-Bulacan, Kenneth Samaco ng World Health Organization at Punong Bayan ng Guiguinto Ambrosio Cruz, Jr. sa pagbabasbas na pangungunahan ni Fr. Joseph Fidel Roura na susundan ng ribbon cutting ceremony.
Sinabi ni Fernando na makatutulong ang pasilidad na mapababa ng mga kaso dahil sa mas malawak na kapasidad nito na magsagawa ng mas maraming mga test at makuha ang resulta sa loob lamang ng ilang oras, dahilan para agad na malaman at matukoy kung sino ang negatibo at positibong pasyente para maiwasan ang posibleng pagkakahawaan.
“Naniniwala po tayo na isa sa mga susi upang mapabilis ang paglutas natin at mapigil ang paglobo ng mga pasyenteng may COVID-19 ay ang pagsasagawa ng mass testing kung kaya naman sinikap ng inyong lingkod na magkaroon tayo ng sarili nating pasilidad upang hindi na tayo makipagsiksikan sa ibang laboratoryo at maghintay ng matagal upang malaman kung tayo ay positibo o negatibo sa COVID-19,” ani Fernando.
Aniya, tulad ng inilunsad kamakailan at ngayo’y bukas na na Bulacan Medical Center GeneXpert Laboratory, magagamit din ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory para suriin ang mga specimen para sa TB, flu, HIV at Hepatitis B and C sa pamamagitan ng polymerase chain reaction machine (PCR), DNA at RNA na maaaring sumukat at magamit upang makita ang pagkakaroon ng partikular na uri mga virus at mikrobyo.
Ayon kay Dr. Hjordis Celis, Provincial Health Officer II, kayang magsagawa ng Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory gamit ang PCR, ng 96 tests na maglalabas ng resulta sa loob ng 3 hangang 4 na oras.
Bago ito opisyal na magbukas, sasailalim ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory sa competency examination at magsasagawa ng proficiency testing sa Agosto 3, 2020. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Willing na maghintay kahit gaano katagal: RAYVER, inamin na rin na ‘mahal’ niya at inspirasyon si JULIE ANNE
NAKABALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards early morning of Tuesday, May 17, matapos niyang mag-attend ng red-carpet premiere showing ng favorite series niya sa Netflix ang “Stranger Things” na Season 4 na, last Saturday, May 14, in Brooklyn, New York. Nag-post agad si Alden sa kanyang Twitter ng, “When a dream […]
-
Sa pagko-consider na isama bilang National Artist; LEA, ipinagdiinang maraming mas deserving tulad ni DOLPHY
ANG documentary film na “And So It Begins” ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) bilang official entry ng Pilipinas para sa 97th Academy Awards o sa Oscars 2025. Lalaban ito sa kategoryang “Best International Feature”. Ang magandang balita tungkol sa pagkakasama ng “And So It Begins” ay inanunsyo ng FAP […]
-
‘Lahar’ posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs
NAGBABALA ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng “volcanic sediment flows” o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon. Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms […]