• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP heightened alert vs Bagyong Ofel, Pepito

INALERTO na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Regional Office nito sa buong bansa laban sa epektong dulot ng paparating na mga bagyong Ofel at Pepito.

 

 

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, simula alas-8 ng umaga kahapon ay inilagay na sa heightened alert status ang lahat ng Police Regional Office sa bansa.

 

Bunsod ito ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Police Regional Office na makipag-ugnayan sa kanilang Lokal na Pamahalaan at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.

 

Sinabi ni Fajardo na pinagana na nila ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa National Headquarters sa Kampo Crame na gagamiting dagdag pu­wersa sa mga maaapektuhang lalawigan.

 

Hindi na kailangan pang hintayin na may madisgrasya bago rumesponde.

 

Naka-full alert pa rin ang Police Regional Office 2 na una nang hinagupit ng bagyong Nika.

 

 

Tiniyak ng PNP na hindi sila titigil sa kanilang hanay sa pagtugon sa kalamidad kasabay ng pagtupad sa mandatong panatilihin ang kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad.

 

Dagdag pa ni Fajardo, pagtutulungan at koordinasyon lamang ang kailangan upang maiwasang madisgrasya ang publiko sa panahon ng kalamidad. (Daris Jose)

Other News
  • 60 milyong Filipino, makikinabang sa libreng bakuna laban sa COVID

    TINATAYANG aabot sa 60 milyong Filipino ang libreng mabibigyan ng gobyerno ng bakuna  laban  sa COVID -19 sa sandaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng susunod na taon.   Ayon kay Presidential Spokesperson  Harry Roque, sa kanyang pagkaka- alam ay para sa 60 milyong mga Filipino ang free vaccine na inilalaan ng […]

  • Rider todas sa Ford ranger pick-up

    ISANG 32-anyos na rider ang nasawi matapos sumalpok ang kanyang minamehong motorsiklo sa isang Ford Ranger pick-up sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Paul Michael Abalaza, ng 110B Capaz St. 10th Avenue, Brgy. 63 ng lungsod. […]

  • PROGRAMA PARA SA EMPLOYMENT NG MGA PWDs, INILUNSAD NG QC

    NAGLUNSAD ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng programa na tatanggap sa mga persons with disability bilang mga empleyado o manggagawa at ang programang ito ay bahagi ng komitment ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang pantay na oportunidad sa mga most vulnerable sector ng pamayanan.     Sa ilalim ng “Kasama Ka sa […]