• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-ASAWA na BACKRIDING sa PRIVATELY USED MOTORCYCLE, PINAYAGAN NA

Pero mga safety experts hindi pabor sa paglagay ng metal barrier sa pagitan ng rider at angkas na pasahero.

 

Magandang balita na sana para sa mga may family-use motorcycles dahil sa wakas ay pinayagan na ang angkasan ng mag-asawa – kung kasal o hindi ay dapat bang linawin sa guidelines. Pero may dagdag gastos pa dito dahil kailangan daw ng metal barrier sa gitna ng driver at sakay nya, na pinaniniwalaan naman ng mga eksperto na mapanganib. Solusyon daw ang harang sa gitna sa social o physical distancing. Pero ang tanong nga ay kung safe ba.  Ang design ng motor ay pinag-aralan ng mga dalubhasang inhinyero at hindi mga politiko tulad ng nagbigay ng suhestiyon na ganito.  Sa palagay ng ilan, makakaapekto sa balanse ng rider at pasahero dahil parang nilagyan mo ng sariling manibela ang angkas na pasahero. Kailangan kasi sa pagmomotor, para mapanatili ng driver ang balanse ay nadadala nya ang bigat ng pasahero. Pag may aksidente ay maaring magdulot ng mas malalang sakuna ang metal barrier lalo na kapag natanggal ito at tumusok sa tao.  Magastos na, mapanganib pa. Hindi rin kaya ma-monitor ng IATF kung gaano katibay ang installation ng mga metal barrier at maari pang makaapekto sa pag-claim ng insurance kapag may nangyaring aksidente. May mga ibang eksperto na sinasabing sapat na ang naka helmet ang rider at ang angkas nito at additional shield back pack tulad sa gamit sa Indonesia. Maging ang mga motorcycle manufacturers ay duda sa safety ng metal barriers na iminumungkahi.  Nauunawaan naman natin na humahanap ang IATF ng mabisang paraan para mapanatili ang social distancing at iwasan ang hawaan. Pero kung ang papayagan lang na magka-angkas ay ang mag-asawa para saan pa ang metal barrier kung sa bahay naman ay magkasiping sila. Sana ay makita ng mga taga IATF ang katuturan ng mga opinyon dito bago ipatupad ang polisiya ng metal barrier. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • REGINE, naalarma na kaya nakikiusap sa tulungang i-report ang mga fake accounts na ginawa for NATE

    NAALARMA na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagkalat ng fake socmed account ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.     Kaya naman sa Instagram post niya ay nakikiusap ang Songbird na i-report pag may nakitang account ni Nate tulad ng @booboobear_nate:     “Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong […]

  • DSWD, nagpadala ng tulong sa mga flood victims sa Visayas, Mindanao

    IKINASA na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief operations sa mga lugar sa  Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.     Sinabi ng Malakanyang na ang  relief operations ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.     Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD field offices sa Eastern Visayas at […]

  • Validity ng student permits, driver’s licenses pinalawig ng LTO hanggang Marso 31

    Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, pati na rin ang lisensya ng mga drivers at konduktor, hanggang Marso 31.   Ang extension na ito ay valid para sa mga indibidwal na may edad na 17 hanggang 20-anyos, pati na rin sa mga 60 pataas.   Ang student permit at […]