DOH, inilunsad ang Immunization Capmaign
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang catch-up immunization campaign upang mabakunahan ang 107,995 bata laban sa vaccine-preventable diseases.
Target ng inisyatiba na mabakunahan ang nasa edad 0-23 buwan sa National Capital Region (NCR) na nakaligtaang bakunahan ng BCG vaccine, hepatitis B, Bivalent oral polio vaccine (bOPV) ,pentavalent vaccine,pneumococcal conjugate vaccine (PVC), inactivated polivirus vaccine (IPV) at measles, mumps, at rubella (MMR) vaccine.
Ang mga buntis naman ay babakunahan ng tetanus-diphtheria (TD) at ang mga nakatatanda na 60 taong gulang ay makakatanggap din ng kinakailangang bakuna.
Inilunsad ang catch-up immunization campaign sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City at dinaluhan ng mahigit 250 mga bata, buntis ,at matatanda.
Ang programa na tatakbo hanggang Disyembre 16 ay layon na mapataas ang fully immunized child coverage sa Metro manila sa 95 porsyento at mabawasan ang bilang ng zero-dose children sa rehiyon.
Noong unang bahagi ng buwang ito, inamin ng DOH-MMCHD na ang mga katuparan nito para sa school-based nationwide vaccination program ay mababa pa rin sa kanilang target. GENE ADSUARA
-
No. 9 crown pinakamahirap sa Cool Smashers
ITINUTURING ni Creamline star Michele Gumabao ang pagkopo sa korona ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference bilang pinaka mahirap. Wala kasi sa Cool Smashers sina key players Alyssa Valdez, Tots Carlos at Alas Pilipinas members Jia De Guzman at Jema Galanza nang kunin nila ang pang-siyam na kampeonato. “Mahirap siguro […]
-
PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA
KINUMPIRMA ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod. Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac […]
-
Modernisasyon sa DOH, target ni Health Sec. Herbosa ngayong 2024
TINATARGET ngayon ng Department of Health na magpatupad ng modernisasyon sa buong Kagawaran ng Kalusugan ngayong taong 2024. Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, sa ngayon ay binabalangkas na ng mga opisyal ng kanilang kagawan ang mga plano nito para gawing moderno ang DOH. Ito ay alinsunod pa rin sa layunin […]